Chapter 49 : Warming up

1.7K 72 19
                                    




         

##Chapter 48 : Warming up##


>Vince's POV<


"Bakit Plants vs. Zombies lang laro mo dito sa computer?" Tanong ko kay Paul.

Nandito kami ngayon sa kwarto nya. Maaga kaming nakauwi ngayon from school dahil may seminar na hindi naman required um-attend. So imbis na mangalay at makatulog lang kami sa auditorium, umuwi na lang kami. I wanted to spend some time alone with Paul kaya nag-suggest ako na dito na lang kami sa bahay nya.

"Hindi naman kasi ako mahilig sa computer games masyado, more of arcades lang." Yeah, alam kong magaling sya sa arcades. Nakahiga sya sa kama at nagbabasa ng novel na hindi ko alam. Ung back cover kasi yung nakaharap sa akin.

I decided to ask, "Anong binabasa mo?" Si Paul pa lang yung nakita kong komportableng magbasa ng nakahiga. Nakapatong sa dibdib nya yung libro at halatang engrossed na engrossed sya sa binabasa nya.

"Aristotle and Dante Discover The Secrets Of The Universe." Sumagot sya ng hindi tinatanggal ang paningin sa binabasa. Nakita kong nilipat nya ang page. "Familiar ka?" tanong nya.

"Hindi e," hindi ako mahilig magbasa ng novels. More on movies and TV series ang inaatupag ko.

Nagbabasa pa rin si Paul kahit nakikipagusap sya akin. Talent nya kaya un? "Well sana mabasa mo kasi maganda sya."

"About saan?"

"Coming-of-age ng dalawang mag best friend." Binaba ni Paul ang librong binabasa at lumingon sa akin. "Na-realize nila na mahal nila ang isa't-isa more than friends do."

Mukhang fascinating nga. At relatable for the both of us.

"Mahilig ka pala sa books." Sabi ko. Tumayo ako mula sa study desk nya at umupo sa gilid ng kama.

Umusog si Paul at sumandal sa headrest. "Oo! Pero hindi ako palabili ng books. E-book lang. Mahal masyado yung mga libro! Wala sa budget."

"At least nabili mo yan." Tinuro ko yung blue na librong hawak nya.

"Actually, regalo to nila Belle nung birthday ko." Natawa sya bigla. "Remember? Yung nagsuntukan kayo ni Brent."

Naalala ko bigla yung nangyari. Grabe. Sobrang immature ko pa nun. Hindi ko naisip na araw yun ni Paul. Ang lakas ng loob kong maging bayolente. Buti na lang nahimasmasan ako sa mga nangyari.

I'm glad naka-move on na ako from that incident. From the past in general.

"Oo. Sorry talaga. Sinira naming yung birthday mo!"

"OK lang yun. Tapos na yun. Tsaka isipin mo, kung hindi nangyari ang mga nangyari dati, baka hindi naging tayo." He smiled that beautiful smile of his. "Kung hindi nyo naharap sila Brent at Belle noong mismong araw na iyon, baka hindi pa rin kayo nakakaalis sa nakaraan ni Ezra."

Come to think of it, tama nga si Paul. Kung hindi ko nakita sila Belle noon, hindi ko marerealize na hindi na ako ganoon nababaliw sa kanya. At ganun rin si Ezra kay Brent. Kahit papaano, nawala na ang sakit. Pero dahil nga nabigla kami nung araw na yun, ayun, lumipad ang kamao ko ng hindi ako nagiisip.

"Pasalamat ka at sinuntok ko si Brent, kundi, hindi ko marerealize na ikaw na pala gusto ko."

Binato nya ko ng unan. "Grabe! Kawawa kaya si Brent nun! Friend ko kaya sya."

"Boyfriend mo naman ako."

Kitang-kita ang pamumula ng pisngi ni Paul. Bakit ba sa lahat ng taong nakilala ko, sya ang pinaka-obvious kapag nahihiya or kinikilig. Ang bilis ng reaction nya sa mga ganitong bagay. Kitang- kita agad ang blush nya.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon