Chapter 25: The Moment

2.8K 107 15
                                    

##Chapter 25: The Moment##

>Paul’s POV<

Ayokong matapos ang gabing ito.

Ito na ata ang pinakamatinong pagsasama namin ni Vince. We talked about almost everything. Kahit yung past nya naikwento na nya sa akin. Nakakatuwang sobrang comfortable na namin sa isa’t-isa. Hindi ko lubos akalain na dati ay mortal enemy ko sya. And did I mention na sobrang sarap ng mga pagkain dito? Grabe. Sana mas malaki ang capacity ng tyan ko para mas marami pa akong nakain. 75% ata ng sinerve sa amin, hindi ko alam. O hindi ko mapronounce yung pangalan. Basta kain na lang ako ng kain. Pagkabalik ni cutie Jeoff, ang waiter namin na super cute (hindi naman halatang nacucute-an ako sa kanya no?), pina-cancel ni Vince ang pag-serve ng wine at pinapalitan nya na lang ng fresh juice and water dahil nalaman nya na hindi ako umiinom ng alak. Sobrang na-touch ako, really.

After that, napansin ko na laging inuutusan ni Vince si cutie Jeoff. Hindi ko alam pero mukhang na-eenjoy nya ang pag-uutos.

Utos #1: Pakuha naman ng extra tissue.

Utos #2: Pasabi naman sa band kung kaya nilang mag-play ng mga classics.

Utos #3: Waiter, please tell the chef that the ravioli was spot on but the salmon needs more salt.

Utos #4: Padagdag naman ng tubig.. please.

Utos #5: Pakuha naman ulit ng extra tissue.

Kawawa naman si cutie Jeoff. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ni Vince sa kanya. Nakailang utos pa yan si Vince at pakuha ng extra tissue kahit nahuli ko syang tinatapon nya lang sa ilalim ng lamesa yung iba, bago dumating ulit si cutie Jeoff at sinabing ihahatid nya na kami sa chamber for our desserts.

“Ikaw talaga, kawawa naman si Jeoff. Utos ka ng utos.” Siniko ko sya habang papapunta kami sa chamber.

“Huh? Ano?” Patay-malisya pa ang loko.

Pumasok na kami sa sinasabi nilang Poésie Chamber. Akala ko yung dining area na ang pinakamaganda nilang feature, hindi pa pala. This chamber is much, much better. Hindi masyadong malaki ang room, tama lang. The walls are adorned by the most intricate wall detail I have ever seen. May mga tables pa rin pero mas maliliit na pero very romantic pa rin ang itsura. At the other side of the oval-shaped room is the stage, an elevated, equally decorated portion of the room kung saan supposedly magsasalita ang magrerecite ng poem.

“Here we are.” Jeoff motioned us to have a seat at the table right below the stage.

“Sana talaga mabunot ka, Paul. Enjoy.” Kinindatan nya ko pag-alis. Hay kung bakit kasi ngayon ko lang sya nakilala. Chos.

At syempre sinimangutan sya ni Vince pagkaalis nya.

Siguro nakakailang tawag na yung host dahil pagkarating namin ay may nagsasalita na. Babae. Kaso papatapos na sya nung naka-upo kami.

                  “..you are the tip of my fall

                   You are the edge of my soul.

                   I love you, Joshua.”

Bumaba na yung babae sa stage then niyakap yung lalaking naghihintay sa kanya sa baba. Oh, how sweet. I bet they're a happy couple.

“Thank you, Sheila. And congratulations on your engagement.”

Baka dapat may mahalagang event sa buhay pag-ibig mo para matawag ka. Proposal. Engagement. Wedding ganun. Baka kailangan may ganoon ka. Sana talaga hindi na ako matawag. Nakakahiya yung mga pinagsusulat ko kanina e. At marami akong nakain. Magmumukha akong balyena sa stage.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon