Chapter 16 : Clearer Contact

4.2K 126 13
                                    

## Chapter 16 : Clearer Contact ##



>Paul's POV<

BAM! I closed the door shut. Did I just said those words?

"Aaminin ko ang gwapo mo ngayon"

Arrrggghhh bakit? Anong nangyayari sakin? Praising Vince would be the last thing that I'll do.

Last thing? E kakagawa mo lang te! Sinabi mong gwapo sya!

Oo na, oo na! I admit. He do look ravishing kanina.

With his plain V-neck shirt and ragged jeans.

Fashion quite suits him well with his exterior.

Teka. Teka. Nababaliw na ata ako. Kung anu-ano na iniisip ko.

I went upstairs and entered my room. I lay myself down to my old bed.

OH GOSH! VINCE CARLO S. MARTINEZ!! BAKIT IKAW ANG INIISIP KO!

Mortal enemy kami dati di ba? E bakit ngayon parang sobrang close na namin sa isa't-isa.. o feeling ko lang un. Ayokong mag-assume.

Hindi kaya? I'm already attracted to him? It can't be.

Bakla ako. Lalaki sya. Those two words don't sound great with each other. It just spells disaster.

Pero sino ba namang hindi magkaka-crush sa isang tulad nya? He's a guy every girl (and maybe every gay) in school admires. Now that he, along with the rest of his friends are becoming too much popular inside and outside the campus.

Who wouldn't be attracted to him? His face, his lips, his eyes, oh those fiery eyes, his face.. a face that displayed a full range of expressions from pain to pleasure, from sadness to sweet happiness - all in a matter of seconds.



Oh crap! I maybe attracted to him. Maybe.



If I say I'm not I would be lying. Never before has a boy given me much butterflies in my stomach and lava in my heart. A dreadful feeling that I didn't wanna feel. Mahirap na baka mabigo.

I think that explains why I'm not in to same-sex relationship even though I'm a gay. I'm scared that it might break my poor, old heart. Or I'm just not brave enough to confess my feelings to the one i love.

I get it. I'm a coward b*tch. Kaya ayokong magmahal kasi natatakot akong masaktan.

At sa tulad ko, mailap ang positibong ikot ng kapalaran pagdating sa pag-ibig. Yes, maraming gay na successful sa buhay nila. Matagumpay sa pera at career. Pero when it comes to being successful in love? Medyo malabo.

Kaya ako nagiingat ako when it comes to my feelings. Hindi pa naman ako magkakaroon ng major crush on someone dati e. Kaya hindi pa ko napapahamak masyado. Hindi naman kasi ako mabilis ma-turn on sa isang lalaki. (gaya ng sabi ko dati.)

Pero ngayon, mukhang lalamunin ko ang mga sinabi ko. Now that Vince is here.

Oo halos isumpa ko sya nung una ko syang makita pero it all has changed since nung maging ok na kami. Specificallly nung magkaroon kami ng some "quality time" with each other. The Tutorial. Hay naku si Sir Roy kasi! May pa-tutorial pang nalalaman. Nadedevelop tuloy ang feelings ko sa damuhong na un.

Ok. ok. Ngayon ko lang sasabihin sa inyo to ha. Pero I'm beginning to have a crush on Vince. Secret lang natin to ha. Kapag kumalat to bibitayin ko kayo!

Nagsimula ko sigurong malaman na may crush ako sa kanya nung naging kind na sya towards sakin. Tapos nadagdagan pa ng ilang asaran, awayan, sigawan aka bonding moments kaya lalung lumiwanag ang nararandaman ko. Pero crush lang nmaan, huwag kayo masyadong mag-expect.

Malay nyo naman kasi hindi ganoon ang turing nya sakin. (ambisyosa ang peg ko no?) Ayokong mag-assume.



But for now I know I have a crush on that boy. And I like to keep it to myself.



At dahil gabi na rin. At gulung-gulo na ko sa pagiisip naisipan ko nang matulog. And it just came to me to look on the calendar. Gosh.

It's the 12th of July already. In a couple of weeks I would become older.

[7-Eleven]

"Sabi ko naman sayo, bes bibigay ka rin e."

Magkasama kami ngayon nitong si Andy, actually medyo late na nga ngayon kasi pinuntahan nya lang ako sa bahay nung papatulogf na ko. E naisipan ba namang kumain ng dis-oras e. Syempre nabiyayaan ako kasi libre to. Once in a blue moon lang na manlibre si Andy.

"Crush lang e. Sus."

"Symepre saan ba magsisimula yan? E di sa crush-crush. Hanggang sa love-love. Then suddenly kasal-kasal na! Go! Go! Go!"

"Baliw ka talaga, bes. Ang dami mo nang na-formulate!"

At dahil best friend ko sya nararapat nya lang malaman ang about sa feelings ko towards kay Vince. Kahit alam kong puro panlalait at pangiinsulto lang makukuha ko sa malaking bunganga ni Andy.

"Excited lang naman ako sa lovelife mo, bes." Tapos he took bite of my siopao. Na nagdulot naman ng mabilis kong pagbatok sa kanya.

"Ouch, bes. What was that for?" Hinimas-himas nya ung ulo nyang na-chop ko.

"Alam mo namang patay-gutom ako pagdating sa siopao e."

"Oo, kaya tingnan mo yang mga mukha mo. Kamukha mo na ung mascot ng Hen Lin."

"Ewan, bes." Then we laughed loudly. Kami lang naman tao dito e. Malalim na kasi ang gabi. At hindi rin naman kami pinapansin ng mga crew.

Siopao talaga ang fave food ko. And I'll kill those who will take a bite out of my siopao.

"Back to our topic, ano na ngayong balak mong gawin kay Kuya Vince?" Magkapatid na pala kayo, bes.

"Huh? Balak?" Kinuha ko ung second sachet ng siopao sauce. Naubos na kasi ung isang pack e.

"Balak para ma-develop pa kayo sa isa't-isa."

"Huh?" Nagulat ako dun ha. Tumalsik tuloy sa mukha ko ung laman ng binubuksan kong sachet.

"Ano ba, bes. Hahahahaha. Kadiri ka naman!"

"Ikaw kasi kung anu-ano pinagsasabi mong loka ka!" I grabbed a piece of tissue then wiped the sauce from my beautiful face.

"Anong masama sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na dapat gumagawa ka na ng paraan para mapalapit pa si Papa Vince sayo!" Ah ngayon tatay mo na sya?

"Baliw ka ba? Hindi ako type nun no!"

"Malay mo naman may pagtingin rin un sayo, bes. Sa ganda mong yan?" I know, My dear best friend, I know.

"Ayokong umasa, bes. Basta ang alam ko lang crush ko sya. Nothing more, nothing less." Nabitin tuloy ako sa sauce. Natapon kasi e.

"Hays bahala ka, basta ako ipagdarasal ko na maging kayo!"

"Gawin mo gusto mo, bes. hahahaha."

"Gagawin ko talaga! Gawin mo kong Maid of Honor sa kasal nyo ha!"

"Kung mangyayari." I doubt.

Kung anu-ano pang pinag-usapan namin ni Andy. Ang gaga hindi maubos-ubos ang sinasabi. Hanggang sa kasal na iniimagine nya para samin ni Vince. Hays. Wish ko lang mangyari un. Siguro kapag lumaki-laki pa ung pluto.





Pero ikasal? Kami ni Vince? Hahahaha.

To good to be true..





















But just enough to be dreamt of.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon