Chapter 3 : Meet the "V"

5.7K 173 14
                                    

## Chapter 3 : Meet the "V" ##

>Vince's POV<

Pagkatapos kong magpakilala ng pagkaikli-ikli alam ko namang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Sa itsura ko ba namang parang hinubog ng mga anghel e hindi sila mapapalingon sa akin. (yabang ko ba?) Totoo naman e.

Syempre alam ko namang bihira lang sila makakita ng mga gwapong katulad ko sa school. Pasalamat sila.

Basta ako nandito para mag-aral at makatapos.

Pero alam mo bang nandito rin ako para sa isang mahalagang bagay?

Nandito kasi ang ex ko.



Ewan ko ba pero malakas pa rin tama ko sa babaeng yun e. Sinaktan nya ko, oo. Pero iba pa rin talaga kapag mahal mo ang isang tao. Mahirap masira ang bond once you love someone. Or in my case, used to love.



Kahit sinaktan ka na. Minamahal mo pa.



Tawagin nyo na akong martir o kung anu-ano pang gusto nyong itawag sa akin. Pero kapag ako talaga nagmahal ng sobra, halos wala na akong maisip pa kung hindi ang taong yun. Mahal na mahal ko pa rin sya eh. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kahit iniwan nya ko.



Kahit pinagpalit nya ko sa iba.

Tension struck me with the thought. Ako lang rin naman ang nahihirapan. Masaya na sya. Masaya na sila. Siguro oras na rin para maging masaya ako.



Sa tamang oras, sa tamang tao, alam ko, sasaya rin ako.





[Math Class]

Nako naman kapag math talaga ang usapan kusang lumilipad ang isip ko.

Paano ba naman kasi, unang meeting pa lang namin ng prof namin nag-discuss kaagad itong si Sir. Ni hindi nga nagpakilala. Basta na lang nagsulat sa board ng kung anu-anong mga formula na hindi ko maintindihan. At kahit kailanman ay hini maiintindihan.

Mukhang naiintindihan naman sila ng mga classmates ko pero ako.. never.

Buti na lamang ay last period namin ito kapag Monday at Thursday kaya ok lang na sumakit ulo ko dito tutal uwian naman na ang kasunod.

"Find the Slope, Slope-Intercept, Distance, and Midpoint. When you're working with the x-y coordinate system, you can use the following formulas to..."

Blah blah blah.

Wala pa rin akong maintindihan. Buti na lang hindi nagtatawag si Sir kundi mapapahiya ako sa klase.

Syempre wala akong masasagot. Magmumukha akong tanga. Bawas pogi points yun.

Cool at laid-back guy ata ako.

At ayokong math lang ang sisira ng buhay ko.







I hate math and I will hate it forever.



>Paul's POV<



I love math and I will love it forever.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon