Chapter 24: La Cuillère de Apollo

3.1K 97 10
                                    

##Chapter 24: La Cuillère de Apollo##

>Paul's POV<

It was the most romantic place.

Since may direction naman na indicated sa passes na ibinigay ni Sir, madali lang naming nahanap ang place. Hindi rin naman sya mahirap hanapin kapag naroon ka na sa na-point ng arrow sa map dahil may malaking marquee sa harapan na may pangalan ng restaurant. La Cuillère de Apollo. Oh, how I wish na nakapunta na ako dito. Labas pa lang ng resto, mapapangiti ka na sa ganda. Hindi naman ako masyadong nagmumukmok sa katotohanan na hindi pa ako nakakapunta dito dahil sure naman ako na sobrang mahal ang mga pagkain dito. Baka kahit reservation pa lang at pagtapak mo pa lang sa sahig nila may bayad na.

“We better go. Our reservation says 8PM, right?”

Sa ganda ng view ng resto sa labas, nakalimutan ko na na may mas maganda pa palang view sa tabi ko. Hindi ko alam kung sumapi ba kay Vince ang lahat ng espiritu ng kagwapuhan ngayong gabi o talagang ganito lang sya kagwapo. Bagay na bagay sa kanya ang suot nya. Sumang-ayon ako sa sinabi nya. Baka ma-late na kami sa reservation. Madali lang kami nakapag-park since konti lang ang kotse sa labas. I have a feeling na bilang lang ang ina-accommodate ng restaurant na ito kada gabi. I suddenly felt very honored dahil isa ako sa makakapasok sa prestigious place na ito. I decided to leave the beautiful bouquet in the car. Baka kasi masira pa sa kapabayaan ko kapag kumakain na. Sayang naman kung masisira lang. You know naman, when it comes to food nakakalimutan ko ang lahat.

“Right this way, please.”

Binati kami ng pagka-gwapo gwapong waiter the moment na makapasok kami sa resto. He motioned us to the reception area. Syempre ang laki-laki ng ngiti ko dahil ang cute ng waiter na ito no. Hoy, Paul umayos ka, may mas gwapo kang ka-date! Parang kumunot naman ng bahagya ang noo ni Vince noong makita nya yung cute na waiter. Ewan ko kung bakit. Baka dahil parehas sila ng hair style. Hay nako mga lalaki talaga.

I placed the passes on top of the receptionist’s counter. Mabilis lang nya tinignan ang mga iyon at lumingon na sya sa amin. Nakapinta sa mukha nya ang pagkalaki-laking ngiti na bumabagay lang sa pagkaganda-gandang ambience ng lugar na ito. Bagay sa kanya ang pagiging receptionist. Very welcoming ang aura nya.

“You must be Sir Roy’s guests. Vince and Paul, right?” Lumabas sya sa loob ng counter at lumapit sa amin.

“Yes, po.”

“Oh, how delightful. Sabi sa akin ni Sir Roy striking ang pair na papapuntahin nya ngayong gabi. A very striking pair, indeed. By the way, I’m Miss Lira. Follow me, nakahanda na ang table nyo.”

Agad kaming sumunod ni Vince dahil ngiti pa lang ni Miss Lira, magagawa mo nang gawin lahat ng pinagagawa nya. Yung tipo bang ang sarap maging ate. Kung bibigyan ako ng chance na magkaroon ng ate, si Miss Lira pipiliin ko. “Here we are.”

Akala ko naman table lang, e parang isang floor ata ang nireserve ni Sir para sa amin. Masyadong malalayo ang pagitan ng mga tables. Parang sayong-sayo ang lugar. Not to mention the music, live music. Grabe, sobrang romantic. Pinaupo na kami ni Vince sa pinaka-romantic na table setting na nakita ko. Actually, eto ang first time na makakita ako nito sa personal. Sa movies lang ako nakakakita ng ganito ka-romantic na setting eh. Dahil pang-couple ang table namin, nakatayo lang si Miss Lira. Mukhang may sasabihin pa sya at hinintay nya lang kaming mag-settle down.

“So, Vince, Paul, welcome to La Cuillère de Apollo. We are very happy to have you here.” She spoke the words like she meant them. Nakakatuwa naman. “Now, you don’t have to worry about anything dahil ini-arrange na ni Sir Roy lahat ng dapat asikasuhin.” Parang kuminang ang mata nya noong sinabi nya ang pangalan ni Sir. “Your food will be served in about thirty minutes.”

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon