Hey!? You! ILY XLI

87 2 0
                                    

Maureen's Point of View



Ganito ba talaga?

After mong maramdaman na nasa ibabaw ka na ng ulap tsaka naman ito bibigay at mawawasak?

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ng iba ang pumasok sa relasyon. Well, hindi pa naman kami ni Errolle pero nawiwindang na ako sa pagkamoody nya.

Pinagalitan ako ng tour guide. Bawal raw tumakbo dahil baka mapano ako pero I don't mind. I continue running para lang makalayo kay Errolle at bumalik sa mga kaibigan ko.

It's safe for you kung nasa poder ka lang ng mga kaibigan mo.



Nang makita ko na sina Gab laking tuwa ko. "H-hi!" Bati ko pagkarating ko sa tabi nya.



Nilingon nya ako ng nakabusangot ang mukha. "Saan ka ba galing? Nagalala ako dahil bigla bigla ka na lang nawawala sa tabi ko. Sabihin mo nga, saan ka nagpunta?"



Inakbayan ko sya and I tried to smile. A genuine one. "May natapakan kasi akong bubog kaya naupo lang ako sandali upang alisin. Huwag kang paranoid, Girl. I won't leave you."


She cross her arm and rolled her eyes. "If I know, may progress na ang lovelife mo. And Maureen, lahat ng nasa courting stage ganyan ang sinasabi. Iiwan mo rin ako kapag naging kayo na ni Errolle."




Biglang may dalawang bubwit ang sumulpot sa tabi namin. Inakbyan ako ni Anjenette samantalang inakbayan naman ni Antonette si Gab. " Gabriella Shye, huwag kang bitter kung wala pa 'yung iyo. Parating na rin naman siguro 'yun at natraffic lang sa dinaraanan nya. Huwag kang selfish." Natatawang hayag ni Antonette. I bit my lower lip para lang hindi matawa sa naging pagbabago ng mukha ni Gab.

Hey! You?! I LOVE YouWhere stories live. Discover now