Hey!? You! ILY XXXIV

157 6 2
                                    

                                                                    @nhiekhontrainstory

Maureen's Point of View



"Alam mo talaga Maureen, that was the best Christmas of my life ever!!" Halos magimpit ng tili si Gab dahil sa kilig. Hindi parin sya maka move on sa nangyari kahapon at maging ako rin hindi maka move on.



Papaanong hindi ako makaget over? Bukod sa maloka ako dahil kina Dave at Errolle, nakidagdag pa sya.



The heck! Parang may kakaiba sa kanila ng pinsan ko the way they look at each other at may na sesense talaga akong kakaiba e. Kaya halos i interrogate ko sya magmula kagabi magpahanggang ngayon tungkol sa kung ano bang meron sa kanila ng pinsan ko kaya lang ayaw nya'ng magsalita. Next year na lang raw. Kaya ako? Ano pa nga ba? kailangan ko lang suportahan ang kaibigan ko sa desisyon nyang manahimik muna about sa kanila ni Insan.



Na shock rin sya kahapon nang sabihin kong pinsan ko si Evans pero natuwa rin sya nang mag sink in ito sa utak nya. "Oo na! Okay na ho, Ms. Shye. Ikaw na ang hindi maka move on dahil first time mo 'yun. Pagbibigyan talaga kita dyan." May pagkasarkastiko kong sabi sa kanya sa likod ng kamera.



"Ang bad mo talaga. Anyways, punta ko dyan? Bibisitahin ko si Sam. Okay lang ba sa kanya?" Nilingon ko si Sam na mahimbing na tu-tulog sa hospital bed nya. Sandali lang iyon at ibinalik ko rin ang tingin ko kay Gab.




Kakatapos lang kasi mag chemo ni Sam at ngayon nagpapahinga na sya. Naaawa nga ako sa kanya dahil kitang kita ko kung papaano sya naghirap. Grabe... kung pwede ko lang alisin ang sakit nya in one snap ginawa ko na kaso hindi kasi ganun at hindi pwede 'yun.



"Sya nga ba talaga ang gusto mong dalawin or ang pinsan ko?" Magsasalita sana sya pero inunahan ko na. "Sorry to say this, Ms Shye. Wala rito si Pinsan. Ewan ko ba roon kung sa'n sya pupunta. Nagmamadali e."



Nakita ko kung papaano mag 'O' ang bibig nya at manlaki ang mga maganda nyang mata and by the looks of her face, sinasabi nito ang nasa utak nya na 'You are crazy Maureen! Wala akong paki sa kanya!'. I bit my lip. Ang cute cute talaga mag react ng babaeng 'to at higit sa lahat, iyong pisngi nya, nakakatuwa sya pagnamumula sa kilig.

Hey! You?! I LOVE YouWhere stories live. Discover now