Hey!? You! ILY XLVIII

9 0 0
                                    

Chapter 48

Missing Pieces



"Bakit hindi nyo kami tinawagan?" Utas ni Mama sa nagtatampong tinig.



Hindi ko alam ang sasabihin ko. Imbes na magsalita ay sinulyapan ko lang ang pinsan ko. Nasa katabi ko syang sofa nakaupo habang seating pretty na kumakain ng mansanas. Tinaasan ko sya ng kilay at kinunutan ng noo. Nakita ko ang nakakaloko nyang ngiti habang ngumunguya.



Bakit ba ang werdo nya ngayon? Ano kayang nangyaring kakaiba sa umaga nya at ganyan ang epekto? Wala syang lovelife kaya iisipin kong baka naengkanto ang lokong 'to.


"Oh? Gwapong gwapo ka na naman sa pinsan mo, Mau-mau!  Tsk! Hindi tayo pwede!" Humalakhak sya kaya sa inis ko napadampot ako ng saging sa mesa at pinukol ko sa kanya. Nasalo naman nya. Binalatan nya ang saging at kinain ito ng buo bago itapon sa'kin pabalik ang balat. Pagkasalo ko hinagisan ko naman ulit sya ng sagging.


Tiyak kong sasakitan sya ng tyan. Ipupulok nya sana sakin ang buto ng mansanas ng magsalita si Mama na sinundan ni Papa.


"Huwag nyo'ng paglaruan ang pagkain! Nagsisimula na naman kayo!" Tila nakakabasag ng kung anong babasagin na bagay ang boses ni Papa.


Napailing si Mama at bulong ng, "Sinaway na kasi..."


Napaupo tuloy ako ng maayos at nawala ang ngisi ni Kuya Esvher. "Sorry po..." We said in unison.

Nasermunan pa kami bago nagawang ipaliwanag ni Kuya Esvher ang dahilan nang hindi namin pagpapa-alam sa kanila.


Nasa kwarto nya ni Sam at nagpapahinga. Nang una ay ayaw nya pang sumunod sa kina mama na magpahinga muna. She wanted us to bond but my parents disagreed. Kailangan nya muna magpahinga sa oras na ito dahil may bukas pa para sa nais nya.


Pagkatapos magkalinawan sa ginawa namin ni Kuya Esvher.  Sinabihan ako ng parents ko na kausapin si Errolle. Isa pa raw na matigas ang ulo. Marami silang sinabi na hindi ko kayang madigest.


Nilabasan ko na si Errolle na nakasandal sa kotse nya habang nakayuko. Pinaglalaruan nya ang sahig gamit ang paa.


May kung anong kumalabit sa dibdib ko bago ako magsalita. Siguro'y pagkamiss dahil ilang araw ko rin siyang di nakita. Wala namang nagbago sa mukha nya at katawan... pero sa facial expression nya lang ang tanging may nagbago.


Nailing na lang ako para mawala ang naisip ko. Ayaw kong pangunahan ang nararamdaman nya. Baka'y mali ang hinala ko.



Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ng salita. "Pwede ka namang pumasok." Nakuha ko ang atensyon nya. Napahalukikip sya at tinitigan ako na para bang tatagos sa katawan ko.



Hindi nakatakas ang mga cells ko sa kung anong dulot ng titig nya. Ramdam ko rin pagbilis ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin. I don't know what should I do. Napalunok na lang ako ng laway at muling nagsalita. "Sabi nina Mama... ka-kanina ka pang hapon d-dito..." Nanginginig ang boses ko dahil sa hindi ko mapaniwalaan ang bagay na 'yun. "Ba-bakit daw a-ayaw mong p-pumasok? Or sana'y tinawagan ako?" Sandali ko s'yang tinignan sa huli kong sinabi.

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon