Hey!? You! ILY XLIX

14 0 0
                                    

Chapter 49
Suitors

"Happy New Year!!!" Sigaw ni Gabriella nang saktong alas-dose na ang tumambad sa screen ng aming maliit na telebisyon. Nakangiti sya habang ginagawang instrumento ang dalawang takip ng kaldero. Hawak nya ito sa magkabilang kamay at para syang miyembro ng banda sa ginagawa nyang pagpapatunog nito. May kasama pang martsa.



Natatawa na lang kami sa kanya. Gab is really adorable!



Nagbatian muna kami sa loob ng bahay. Nagpahagis ng coins si Mama bilang katuwaan.



"Uy! Akin yan Dave!" Hiyaw ng pinsan ko.


"Hahahaha! Akin 'to! Ako unang humawak eh!" Depinsa ni Rid habang nakangisi.


Halatadong nangaasar sya. Natatawa na lang kami rito ni Gabriella sa dalawa dahil para silang paslit na bata. Halatang nagbabalik sila pagkabata.



"Binitiwan muna eh!" Giit ni kuya Esvher at nakipaghilaan sa limang piso.


Nagtawanan na lang at muling naghagis si Mama. Nagagawan kami at halos nagkakauntog na kami. Halakhak ni Sam ang umaalingawngaw sa loob bg bahay samantalang sigawan ang sa'min nina Kuya Esvher. Tanging tawa lang talaga ni sam ang nangingibaw at bumabalot sa apat na sulok nito. 



Sumunod si Rid sa paghahagos. Hinagis din ang mga napulot. Sumunod si Kuya Esvher at Si Gab. Matapos ang pananatili namin sa loob ay naglabasan kami at doon sa tapat ng bahay nag-ingay at nagsisigaw katulad ng ginagawa ng mga kapitbahay.



"Happy Happy New Year!" Sabay sabay na naming sigaw.



Lahat kami ay nakipagbatian sa mga kapit-bahay. Nagpapalitan ng greetings, nagngingitian, may ibang nanghahalik pa lalo na 'yung mga oldies.


Nilingon ko si Sam na masayang nakatingin samin. Nginitian ko sya na may pagkindat. She just simply smile back. Nasa pintuan lang sya banda. Naka-upo sa wheel chair at nakatanaw samin.  Naka-mask sya dahil ayon sa Doctok e bawal syang makalanghap ng sobrang usok lalo na  dahil ay fragile sya.



Maingay ang lahat at pawang mga masaya sa pagsalubong ng bagong taon. Maraming pakulo  ang aming kapit-bahay. May naghahagis ng piso, at candy, may ibang nagtuturotot lang sa isang tabi, meron namang naglulusis at kung ano ano pa. Nagtatalon din ang lahat at walang nakabusangot. Lahat ay pawang mga maliligaya. This is how new year is fun.



After ng maikling kasiyahan ay bumalik kami sa loob ng bahay. Ngunit nagpaiwan sina Gab at Kuya Esvher. Pumasok ako together with Sam and my Parents. Kasunod si Rid.



Dumiretso sina Mama sa kusina samantalang nilinis ko ang sala. Tumulong si Rid. "Hey, Maureen." Tawag nya.

Hey! You?! I LOVE YouWhere stories live. Discover now