Hey!? You! ILY XXXVIII

108 3 2
                                    


@NhieKhonTrainStory



"Wait!  I bet this color!" Ngiting-ngiti si Antonette habang hawak hawak ang kulay dilaw na t-shirt. Nasa harapan nya ang maleta nyang sabog sabog na ang laman.





"Hindi! I must prefer for this one." Mabilis na saad ni Gab habang nakatapat sa katawan nya ang kulay Black na T-shirt. "Mas maganda ito." taas kilay nya pang pahabol.




Napailing naman ako ng makita kong dumila si Antonette.




"Ang panget ng Black! It's too common. Masyado ng gamit na gamit 'yan. This! this one is nice." Pagdedefensa ni Antonette sa yellow T-shirt niyang hawak hawak.




Kakatapos lang namin kumain kaya heto kami sa kwarto namin. Nag-hahanda ng maisusuot para sa pag-ma-mountain hiking pero mukhang hindi paghahanda ang ginagawa ng mga kasama ko, nag-dedebatehan sila-_-.



'Yung mga boys nagsisimula na sa pag-ma-mountain hiking. Well, wala naman ng bago roon. They hate waiting.




"Uy!" Napalingon ako kay Anjenette ng sikuhin nya ako. "Mas maganda itong Fuschia pink diba?" Ngiting-ngiti nyang tanong.




Hindi ko tuloy naiwasan ang mapakunot ng noo. "Ha?  Ewan ko. Kung sa paningin mo maganda 'yan wala na akong magagawa."

Hey! You?! I LOVE YouWhere stories live. Discover now