Hey! You?! ILY XLVI

11 0 0
                                    

Maureen's Point of View

(PRESENT)

Labis 'yung sakit na naramdaman ko nung mga oras na 'yun. Mahirap pigilan na hindi ako masasaktan at makaramdam ng pighati. Hindi lang kasi isa kundi dalawa ang nanggugulo sa'kin kaya papaanong hindi ako mahihirapan at kulang na lang e maloka?




Napayuko ako dahil sa iba't ibang emosyon na naman ang nararadaman ko. Gaya nung naramdaman ko nun doon sa Laguna.



Sakit...


Pagkalito...


Pagtataka...


Inis at galit.



Hindi ko naiwasan ang pagkawala ng hikbi sa bibig ko. Naiangat ko ang ulo ko at bumungad sa'kin ang kakaibang ako. Kita ko ang repleksyon ko sa salamin na kakaiba.



Nakakaawa ang itsura nya dahil bakas na bakas ang pait at sakit sa dibdib nya.



Napakagat ako ng labi upang mapigilan ang maaari pang kumawalang hikbi. Kahit basa ang mukha ko dahil sa tubig, pansin ko parin ang luha ko. Pansin na pansin ko sya dahil sa kakaiba nyang itsura. Sya lang ang tanging tubig na gumagalaw galing sa mata ko pagapang sa maala-siopao kong pisngi.



"Akala ko wala na 'yung sakit na 'yun pero hindi parin pala nawawala..." Napadapo ang kamay ko sa dibdib ko. Napapikit ako ng madiin na syang dahilan upang maglabasan pa lalo ang mga luha sa mata ko at hindi ko na kayang pigilin pa ang hikbi ko.



Umiyak ako ng walanghumpay at hinayaan kong lamunin ako ng aking kaisipan.



Sam's mother is my real mom too. 'Ang katotohanang hindi ko pa tiyak ngunit gayunpaman, hindi ko matanggap.



Ang nilalaman nung notebook na binasa ko doon sa Laguna na napulot ni Kuya Esvher ay tungkol sa'kin at sa ina ni Sam. Sa pagkatao ko na kaugnay sa pagkatao ng mama ni Sam.


Nasasaktan ako sa bagay na 'yun dahil hindi ko sya matatanggap bilang magulang ko.



Mahirap man tanggapin sa mabilis na panahon ang katotohanan pero hindi ko naman 'yun mababago.



Nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Yumuko ako't dinama ang pighati na ngayo'y naghahari sa puso ko.



Alam ko naman na hindi maaalis lang basta basta 'yung sakit dito sa puso ko dahil lang sa lumipas na mga araw. Alam ko rin naman kasi na hindi pag-iwas ang maaaring solusyon para mawala 'yun. Lagi akong umiiwas sa katatahonan ngunit bakit ganito? Bakit sa tuwing umiiwas ako mas lumalapit sya sa buhay ko? Dahil ba sa katotohanan na magkaugnay talaga ang buhay namin?

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon