Chapter 45

755 23 24
                                    

Serenity.

Was what Janna felt everytime she faced the ocean. The blue and clear waves, smooth blowing breeze, and its endless horizon washed every longingness that silently took shelter in her heart for these past two years.

"Happy?" asked by the man who suddenly placed his arms in her shoulders.

"Trying to be," she answered.

Dahil paano ba siya magiging masaya kung hindi pa tuluyang nakakalimot ang puso niya?

Nakakatawa.

Hanggang ngayon, isang lalaki pa rin ang tinitibok niyon ngunit ayaw na niyang umasa pa. Matagal na niyang tinanggap na walang happy ending sa pagitan nilang dalawa. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na siya nasasaktan.

Na hindi na siya nangungulila.

Na sa pagsapit ng gabi, hindi na siya lumuluha.

Dahil kabaliktaran ng mga iyon ang kanyang nadarama. Ang mas masaklap, sa bawat paglipas ng mga araw, sumisidhi ang damdamin niyang masilayan ito.

Kahit sandali lang.

Ngunit alam niyang hindi na puwede. Marahil masaya na ito sa babaeng tunay na minamahal kaya kahit mahirap, tinitikis niya ang sarili.

She deprived herself from opening her social media accounts in fear that she would see any post of him with his beloved girlfriend. She cut her communication with Tricia and fought the urged to ask Rain about his well being because she was afraid to hear that he was already moving on with his life while she remained stuck in their past.

Pero kung ano mang mayroon siya ngayon ay kontento na siya. Bilang isang freelance romance writer ay naibubuhos ni Janna ang kanyang mga saloobin.

Ang nararamdaman ng kanyang damdamin.

Sa propesyon niyang iyon, masaya siya. Sa propesyon niyang iyon, may happy ending na wala sa kanya.

"Don't you miss the life in the city?" tanong muli ng lalaki sa kanyang tabi. Tulad niya'y nakatanaw din ito sa malawak na karagatan.

"Not the city but the people living there."

"Well, if that's the case, why don't you come back?"

"I'm not yet ready."

And I don't know if I will ever be.

Naghari ang katahimikan sa papalubog na araw. Maya-maya ay kinuha nito ang braso sa kanyang balikat saka muling nagsalita.

"You know, there are lots of men out there waiting to be noticed by you. Why don't you give them a chance?"

But before Janna could utter a single word, a strong and firm arm snaked around her waist. Followed by feathery kisses trailed within her nape that sent chills to her spine down to her toes.

"There's no need to give them a chance 'cause her husband is already here to fetch his wife."

Tila natulos sa kinatatayuan si Janna. Agad bumilis ang pintig ng puso niya kasabay nang pagwawala ng kung ano mang namamahay sa kanyang tiyan. Ngunit hindi pa man siya nakakahuma, bumuka muli ang bibig ng mapangahas na lalaki sa kanyang likuran.

"So, back off." May pagbabanta sa boses nito.

Umawang ang bibig ng kanyang kasama. 'Di naglaon ay napalitan ng ngisi kasabay nang pagtaas ng mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo. "Easy.... easy... " anito saka siya binalingan. "Paano ba yan, ate? Nandito na ang hubby mo kaya mauuna na akong umuwi. Ako nang bahalang magpaliwanag kina lolo't lola kung bakit ka nahuli."

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon