Chapter 26

547 18 7
                                    

Sa may kalakihang silid, halos mapudpod na ang sapin sa paa ni Janna sa pagparoo't parito.

"Talaga bang may gusto na sa'kin si Trent? Well... he wouldn't kiss me if he didn't, right?"

Kanina pa niya iyon itinatanong sa sarili. Wala sa loob, hinaplos niya ang kanyang mga labi.

He did kiss me!

He did kiss me!

Gusto niyang magtatalon sa kilig. Kaya lang ay may pangamba pa rin siya.

Panghahawakan ba niya ang sinabi nito?

Baka mali lang ang nadinig ko.

"Aaaaaah!" inis na hinila niya ang kanyang buhok. "Gosh! Mababaliw ako nito. Why are you confusing me, Trent Javier?"

After that commotion last Saturday, tuliro na si Janna. Until now, hirap pa ring tanggapin ng kanyang utak ang tunay na rason kung bakit umakto si Trent na parang nagseselos. Kung bakit siya nito hinalikan. Hindi naman siya manhid. In denial pwede pa. Pero masisi ba siya? Nakakatakot mag-assume. Lalo pa't iniwasan na naman siya nito pag-uwi nila ng condo.

At sa kalituhan niya at kawalang-ideya kung paano pakikiharapan ito, buong araw siyang nagkulong sa kanyang silid kahapon. However, she could no longer continue to hide. She had an OJT that was waiting for her today.

"You need to get out and face him, Janna. Stop being a coward!"

Hinaplos niya pababa ang nagusot na damit. She counted one to ten, turned the doorknob of her room and stormed outside the condo as fast as she could. Relieved but at the same time disappointed that she didn't even has a glimpse of him.

Tumigil siya sa tapat ng nakasaradong elevator. Tinapik-tapik niya ang isang paa habang hinihintay na tumunog iyon.

Upang mapaatras lang nang sa pagsabukas ng elevator ay iniluwa nito ang nakayukong si Trent.

Rinig na rinig niya ang lakas ng pagtahip ng dibdib.

Kumalma ka heart. Please lang!

Abala ito sa pangungulikot ng kung ano mang laman ng dala nitong supot. Ni hindi man lang nag-angat ng mukha nang tumapak palabas ng elevator.

Kaya kapwa sila nagkagulatan nang mapatapat sa isa't-isa.

"Ahmm...," si Trent. "G- going to work?"

She glanced at him. He's looking sideways pero 'di naman mapirme ang mga mata.

"Y-yes."

Talaga, Janna? Yes lang ang sasabihin mo? ngali-ngali niyang kutusan ang sarili.

"T-take care then."

Napaawang ang kanyang mga labi. Siyempre, first time kaya 'to!

"Y-yes."

Naman! Wala ka bang ibang alam na salita?!

Biglang naghari ang katahimikan sa pagitan nila.

"I... I need to go," aniya saka humakbang pakaliwa ngunit siya rin namang pagpihit nito pakanan. At nang bumaling siya pakanan, lumigid naman ito pakaliwa.

"Sorry," magkapanabay nilang sambit.

"Okay lang," nag-chorus muli sila.

"Mauna ka na," anito saka dumikit sa gilid.

"S- salamat." At mabilis na siyang lumakad pasulong. Agad na lumulan sa elevator nang muli itong bumukas saka nanghihinang idinantay ang noo sa kakasara pa lang na pinto.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now