Chapter 32

473 15 8
                                    

Janna sat in her seat with a back straight as her fingers entertwined with each other. While Kath leaned on the backrest of her chair, crossing her arms and legs.

"I'm afraid I can't grant your request, Kath."

"And why is that?"

"Because I love him and he loves me."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kath saka mapang-uyam na ngumisi. "Do you think so? I think it's just a one sided love in your part, Janna Nicola."

"You heard Trent uttered that he loves me. In front of you. Don't you remember it, Andrea Kathrilynn?" Tinapatan niya ang titig nito subalit nanatiling mababa ang kanyang boses.

She noticed the movement in Kath's jaw as she balled her palms into a tight fist. Janna knew that she made her angry but her face remained calm and composed. Chin up, she threw her rebuttal.

"You're just a temporary replacement. An impermanent patch for my absence. But now, that his true owner is back, your service is no longer needed."

Tinamaan siya sa sinabi nito pero nunca niyang ipahahalata iyon. She already made her decision to fight for Trent. There's no turning back.

She also raised her chin. "Haven't you heard the saying: 'Absence diminishes midiocre passions and increases greater ones, as the wind extinguishes candles and fans fires?' Thus, I beg to disagree."

"Are you implying that you're better than me?!"

Napigil niya ang pagpitlag, kabaliktaran ng waiter na kasalukuyang inilalapag ang order nila, nang tumayo si Kath at pinukpok ang ibabaw ng mesa. Nang tumalilis ang waiter saka lang niya binalingan ulit si Kath.

Kita niyang namumula ang buong mukha nito samantalang mabilis ang pag-alon ng dibdib.

"I'm just saying that maybe Trent's feelings for you was not as strong as you believed. Dahil hindi naman niya ako matutunang mahalin kung talagang malalim ang pitak ng pagmamahal niya para sa'yo. And based on how he cares for me. I don't think that he valued my presence as epheral."

Mula sa mariing pagkakalapat ng kanyang mga labi ay naging awang ang kanyang bibig. Ang matatalim din niyang titig ay napalitan ng pag-aalala, nang malaglag ang mga balikat ni Kath at manubig ang mga mata nito. Agad siyang sinalakay ng guilt. Tuloy ay gusto niyang bawiin ang kanyang sinabi. "Im sorry. What I mean is---"

"Sabi mo isasauli mo siya sa akin after graduation." Mas lalong kumirot ang puso ni Janna dahil hindi na mabalasik ang boses ni Kath kundi puno ng sakit at pag-aakusa.

Nagbaba siya ng tingin saka nilaro ang mga daliri. "I meant what I said. Not until you hurt him."

"I have my reasons!"

"Are your reasons enough to leave him?!" Napatayo na rin siya. "Tell me, Kath. Anong rason mo? Baka sakaling maintindihan ko!"

"Kapag ba naintindihan mo ang rason ko, Janna, isasauli mo sa akin si Trent?"

Napipilan siya sa tanong nito na siya namang ikinangisi ni Kath. Pero walang halong pang-uuyam o katuwaan ang ngising yaon bagkus puno iyon ng pait.

"Liar." And now, Kath's eyes were welled with tears. Tinangka niyang lumapit dito pero umatras ito. "I shouldn't have trusted your words!" Pagkasabi niyon ay nagtatatakbo si Kath palabas ng building.

Isa-isang naglaglagan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata, binabasa ang buo niyang mukha. Saka lang niya napagtuunan ng pansin ang mga matang nakatitig sa kanya. She rushed towards the lady's comfort room. Doon siya umiyak ng umiyak.

'What have I done?'

Their father adored her because she always keep her promise no matter how small and irrelevant it is. Pero ngayon, na may damdaming nakataya, hindi niya mapanindigan ang pangako niya.

"Sorry Kath... sorry," aniya sabay takip ng mga palad sa mukha. Sa loob ng stall ng comfort room na pinalipas ni Janna ang buong natitirang oras ng kanyang break time. Saka lang siya lumabas nang kailangan na muli niyang maglog-in.

Dama niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga katrabaho. Expected na niya 'yun. Gumawa ba naman sila ng eksena ni Kath sa mismong cafeteria. But she chose to ignore those stares. Lucky for her, dahil ni isa sa mga ito ay walang nagtangkang usisain siya. Maging ang kaibigang si James ay nanatiling tikom ang bibig.

Sumapit ang uwian, mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam kaya naisipan niyang gumala sa mall. She texted Trent, informing him to not fetch her. She was not surprise when he easily agreed. But somehow, he wished he insists, just like before.

Mapait siyang napangiti. 'Kath might be right. Baka nga temporary replacement lang ako sa pagkawala niya.'

'Trent told you he loves you. Don't you trust him?'

'If he does, bakit siya affected sa pagbabalik ni Kath?'

"And now I am debating within myself," naiiling niyang turan.

Sa fast food kaagad siya dumiretso pagpasok niya sa mall. Kanina pa kumukulo ang tiyan niya sa gutom dahil hindi naman siya nakapananghalian. She was roaming her sight within her surrounding, eyeing for an ideal spot when she caught someone. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito. At nang masigurong hindi nga siya namamalikmata, mabilis at mahigpit niyang niyakap ang nakaupong ginang.

"Mama!"

Ngunit wala siyang reaksiyong nakuha mula rito sa halip nakamasid lamang sa kanya ang mama niya. Subalit namumutla ang buong mukha nito. Bigla siyang sinalakay ng takot. Ikakaila ba siya ng ina niya? Aakto ba itong hindi siya kilala?

'Lord, please. Don't let my mother walk away from me again. Please...'

Lumuhod siya sa tapat nito at pinagsalikop ang kanilang mga palad. "I miss you, ma. H-hindi mo ba ako namimis?"

Biglang lumambon ang mga mata ng kanyang ina kasunod ng paghaplos nito sa kanyang mukha. "I miss you too, nak."

She almost leaped in joy upon hearing her response. Not even aware na pinipigilan pala niya ang kanyang paghinga habang hinihintay ang sasabihin nito. Tears automatically rolled down into her cheeks as she grabbed her mother's hand. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang palad nito.

'Thank you, God. Thank you for hearing my prayer.'

------

purpleishred this is for you, girl. Thank you for your inspiring comments. Lovelots 😘

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now