Chapter 19

542 25 31
                                    

The day Janna dreaded the most, came. Kasalukuyan siyang nasa backstage at hinihintay na tawagin ang kanyang pangalan. Her heart was beating rapidly, her palms were sweating and she was shaking.

"Hey! Relax. You can do it. You're good." Kanina pa 'yon sinasabi ni Alyanna sa kanya pero ni hindi iyon nakabawas sa nararamdan niyang kaba.

"What if umatras na lang kaya ako? I'll just tell gov, I'm not feeling well."

"Do you think he'll buy that crap? Listen Jan, you need to get out there." Itinuro nito ang direksyon ng front stage. "Now take a deep breath. Inhale."

Sinunod niya ang sinabi ni Alyanna nang iangat nito ang nakabukang palad.

"Exhale," anito kasabay nang pagbaba niyon. "Inhale." Again, she raised her palm.

And for the second time, Janna complied.

"Exhale. Inhale..." she prolonged the latter then shout, "Buga! "

"Hah!" Napauklo siya nang lingunin siya ng mga naroroon. Ang iba'y nakakunot ang noo habang mayroon namang umirap sa kanya.

But Alyanna dismissed them. "Feeling better?

Sunod-sunod siyang lumingo. "Hindi pa rin, e. Kinakabahan pa rin ako."

"Just repeat what we've done kapag nasa stage ka na. Well, except for the shouting part."

She chuckled at what she uttered. "Malamang. Kundi magmumukha akong timang." 

Maging ito ay nakitawa rin sa kanya.

Maya-maya ay narinig na nila ang boses ng emcee.

"And now, from the AB English department, please help me welcome...."

This is it. She thought as she balled her fist.

"..... Miss Janna Nicola Dizon!"

Before she stepped out, pinihit muna siya ni Alyanna at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. "Remember what I've told you after the meeting?"

She nodded.

"Find that person and give your best shot." Saka nito hinawakan ang kanyang likod kasunod ay marahan siyang itinulak.

A defeaning sound and blinding light  welcomed her as she set her feet in the stage.

Lumapit siya sa mic at sinubukang pantayan ito pero masyadong mataas ang stand. As she tried to adjust it with her shivering hands, the mic fell on the floor. Creating an irritating sound.

Great!

"Wooh! Dinadaga 'yong contestant!"

Dinig niyang buska ng isa sa mga audience.

Don't mind him. Stay focused. Remember what Alyanna told you.

Nang maayos na ng umakyat na personnel  ang mic stand, inihanda na rin niya ang sarili. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga saka ginala ang kanyang paningin sa kumpol ng mga manonood. 

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now