Chapter 44

619 22 11
                                    

"Engineer, may naghahanap po sa inyo," untag kay Trent ng isa sa mga construction worker niya.

Kasulukuyan siyang nasa site at inoobserbahan ang improvement nang ginagawang building nang lapitan siya nito.

He fixed his eyes to him. "Who?"

"Hindi ko po kilala, e," sagot nitong napakamot pa sa batok." Pero babae. Maganda tapos maputi."

Naglapat ng mariin ang kanyang mga labi. May ideya na siya kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Sabihin mo busy ako."

Ngunit bago pa man tumalima ang kanyang kausap ay nakarinig na sila ng matinis na boses.

"Trent!"

Wearing a fitted blue jeans, off-shoulders pink blouse and a wedge sandals, Kath strode towards him, smiling brightly as she tried to avoid every metal and hollow blocks along her way.

Pasimple namang nag-excuse ang kanyang tauhan.

When she was near him, he asked her in a monotonous tone. "What are you doing here?"

"I bring you lunch." Saka nito itinaas ang hawak na double layered, square, stainless steel lunch box. May nakadikit ding water container sa gilid niyon kung saan may mangilan-ngilang butil ng tubig ang nakakapit.

He just stared at her. His face was void with any emotions. "Can't you see I'm busy?"

But Kath just shrugged her shoulders, dismissing his cold treatment. "I know. That's why I took the initiative to brought you some foods."

A sigh of exasperation escaped his mouth.

Okay lang naman ang dalhan siya nito ng pagkain. Kung wala lang sanang ibang motibo. After all, he was open to the possibility of befriending Kath. However,  he knew that behind her concerns, she was expecting something in return that he could not reciprocate.

"I'm not yet hungry."

Ngunit imbes na pansinin ang sinabi niya, hinila siya nito patungo sa bahagi ng building na hindi naaabot ng sikat ng araw. Kung tutuusin, skeleton pang maitututuring ang building kahit may kaunting pader na ang naisasaayos.

At doon sila pumuwesto.

Nang malayo na sila sa kanyang mga tauhan, saka palang inalis ni Trent ang kamay ni Kath na nakakapit sa kanya.

"Stop doing this, Kath. I told you,  we're over."

Bumadha ang lungkot sa maaliwalas nitong anyo.

"Why are you so unfair to me, Trent? Hinayaan mong mapalapit sa iyo si Janna noong nawala ako pero ngayong siya naman ang umalis, bakit 'di mo ako mabigyan ng chance?" Mababang boses na usal ni Kath.

"For a record, I did not give her a chance." Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin sa ibaba. "Kusang bumukas ang puso ko para sa kanya kahit anong pigil ko."

She stared at him.

He looked in another direction.

Here comes that familiar needle pricking his heart once more.

Then out of nowhere, a little pup suddenly appeared. Rubbing his head on his leg.

Sa tingin niya'y kulay puti ang balhibo nito ngunit dala marahil ng mga alikabok na kumapit rito ay nagkulay dirty white iyon. Hapis ang tiyan at bumabakat sa balat ang rib cage. Kunting ihip nalang at malapit na itong matumba. Hinaplos ang kanyang puso sa kalunos-lunos nitong anyo.

Akmang yuyuko na siya upang haplusin ang tuta nang pumadyak si Kath.

"Shoo... shoo... " anito habang kinukumpas ang kamay.

Due to her reaction, Trent remembered what Tricia told him yesterday. Waking a string of suspicion he almost forget.

He cleared his throat before he spoke, "Ayaw mo sa tuta? Bakit?"

Tiningnan siya nito na parang tinubuan siya nang maraming ulo. "What why? Just look at that puppy," sabi nito saka iniunat ang hintuturo. "Ang dumi. And I have allergies when it comes to animal's fur."

"Really?" Tuluyan na siyang yumukod saka hinimas-himas ang balhibo ng tuta ngunit bawat himaymay ng kanyang katawan ay maiging inoobserbahan si Kath. "Since when?"

"Since I was a child. Everytime I come in contact with their fur, it makes me sneez like forever."

"So, hindi ka nagkaroon ng alagang pusa? Kahit sandali lang?"

She arched her brows while crossing her arms in her chest. "I told you, may allergy ako sa balahibo nila, kaya paano ako magkakaroon ng alagang pu---"

Biglang namilog ang mga mata nito kasabay ng pagtakip ng mga palad sa bibig.

Trent took her reaction as a cue and rose from where he squatted down. He throw a cold stare at her while pocketing his hands. "Why did you lie?"

"T-Trent... "

Sinubukan siya nitong hawakan ngunit humakbang siya paatras.

"Answer me, Kath."

"I... I'm sorry..."

Nagsimula nang manubig ang mga mata nito pero nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon.

"I don't need your sorry. What I need is your explanation. Bakit ka nagpanggap?"

"Dahil gusto kong mapalapit sa'yo! Dahil gusto kong mapansin mo!" Biglang bumalasik ang anyo ni Kath pero di rin nagtagal ay lumambot muli. "At alam kong mangyayari lang 'yon kung magiging ako ang babaeng nakilala mo no'ng high school ka pa."

Naikuyom ni Trent ang mga palad kasabay nang mariing paglapat ng kanyang mga mata.

Kung ganoon, niloko lang pala siya ni Kath. Kaya pala ni minsan, hindi niya nakita rito ang mga katangiang kinahumalingan niya sa babaeng nakilala. At dahil nuknukan siya ng katangahan, pinilit niyang hinanapan ng dahilan ang mga napansing kakaiba at hindi pagkakatugma. Saka lubusang naniwala.

Pero paanong hindi siya maniniwala rito? Gayung maliban sa mga kaibigan niya, wala na siyang iba pang pinagsabihan?

"How did you know?" tanong niya.

Kath begun to play the hem of her blouse while her lips were shivering. "I... accidentally heard you... t-talking with your friends while orientation. I'm... s-sitting at your b-back... that time."

Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. Pakiramdam din niya'y nag-iinit ang kanyang buong mukha. At parang gusto niyang magwala.

Subalit gaya nang madalas na nangyayari, sa tuwing nag-uumpisa nang bumangon ang galit sa kanyang puso, naaalala niya ang mga katagang binitiwan ni Janna. Kaya naman imbes na magbato nang masasakit na salita tulad ng karaniwan niyang ginagawa noon ay mas pinili ni Trent ang manahimik. Saka niya lang ulit binubuka ang bibig kapag humupa na ang kanyang galit.

"Trent, sorry." Nagsusumamong wika ni Kath.

"Just leave for now... please."

"Trent, don't hate me."

Hate her? Maybe he did if only he learned the truth when he was in his old self. But now?

He clicked his tongue. "I might not forgive you in an instant, Kath. However, I can promise you that I won't nurture this feeling. Because that was what I learned from my wife. I've been a jerk to her. Countless times did I hurt her. But she always forgave me. Thus, I will do the same." He paused for a while. "But please, after this encounter, tigilan mo na ako."

Mapait na ngumiti si Kath. Ni hindi ito nagkomemto sa kanyang sinabi. Pinanalangin nalang niyang na sana ay nalinawan na ito.

On the spur of the moment, his phone buzzed. He swiped the screen after fishing the phone from his pocket. It was Vincent who sent him the message.

I found her, tol.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now