Chapter 31

488 16 10
                                    

"T-Trent... I miss you."

Gustong umalma ni Janna nang ipulupot ni Kath ang mga braso nito sa leeg ni Trent pero pinigil niya ang sarili. Sa halip, hinintay niya ang magiging reaksyon ng huli.

And she was delighted when Trent grabbed Kath's arms away from him.

"What are you doing here?" Malamig nitong tanong.

Kath chuckled and caressed his face. Nagtagis ang kanyang mga bagang sa ginawa nito.

"What kind of question is that? I'm here for you, babe." Masuyo nitong tugon.

"You already left me, don't you remember?"

"I came to claim you back." Mababa ang boses ng pagkakabitaw ni Kath ng mga katagang iyon kasabay ng pagsulyap nito sa kanya.

"There's nothing for you to claim back. I'm in the possession of my wife now. You're year and a half late, Kath."

Janna witnessed how Kath's facial expression changed; from stretching lips to furrowing brows. Her eyes were also filled with confusion and worry.

"I'm in love with Janna."

Parang piniga ang kanyang puso nang mapansin ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata ni Kath. Oo. Natuwa siya ng sabihin ni Trent na mahal siya nito pero hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatya sa kanyang kabaro. Dahil higit kanino man, alam niya ang pakiramdam na may ibang iniibig ang lalaking minamahal.

'Take a pick, Janna. You can't ride two boats at the same time,' sulsol ng kabilang bahagi ng kanyang utak.

Pasimple siyang nagbuga ng hangin para paluwagin ang naninikip na dibdib. Maybe, just for this one, she will be selfish and choose her happiness.

"Leave, Kath. Like what you did. Leave and never come back again." After saying those words, Trent closed the door. Bahagya itong natigilan nang sa pagpihit nito'y makita siya. "Kanina ka pa diyan?"

Tumango siya bilang sagot.

Lumapit ito sa kanya at kinabig siya patungo sa katawan nito. "Sorry kasi nasaksihan mo 'yun."

Gumanti rin siya ng yakap rito. "I don't mind. Ikaw, okay ka lang ba?"

"I am." Iyon ang sinabi ni Trent pero iba ang nararamdaman ni Janna. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya pero hinwakan siya sa palapulsuhan saka marahang hinila. "Let's sleep. This night was very tiring for the both of us."

Pinagmasdan niya si Trent habang naglalakad sila patungo sa kani-kanilang silid. Tuwid ang tingin nito ngunit tila nakatutok sa kawalan. Buong gabing binagabag si Janna sa naging anyo ni Trent, binabaha ng pangamba ang kanyang dibdib.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising upang maghanda ng agahan. Akmang kakatukin na niya si Trent nang makitang nakaawang ang pinto ng silid nito. Sumilip si Janna.

She found him sitting at the edge of his bed. May lambong sa mga mata nito habang nakatingin sa nakabuklat at gusot na tracing paper, hawak-hawak sa magkabilang gilid. She immediately recognized what it was. She didn't expect that Trent took it back.

Two days, after Kath left him, she saw that same paper crumpled on a trash bin. Out of curiosity, she opened to see what it was. Only to realized that it was a lay-out of a two story building with the heading: 'Trent and Kath's Dream House.'

Instinct. Bigla siyang napaatras na waring nagtatago kasabay ng mariing pagpikit. Nang dumilat siya ay may malapad na ngiti na'ng nakapaskil sa kanyang mukha. Kumatok muna siya bago muling sumilip.

"Trent. Breakfast is ready."

Nakatayo na ito sa gilid ng kama at wala na ang papel sa mga kamay nito. "Okay. Lalabas na ako."

Nginitian siya ni Trent pero hindi nakaligtas kay Janna na katulad ng sa kanya, hindi abot sa mga mata ang ngiting iyon.

She shook off her observation. However, she felt that when Kath came back in their lives, something changed from him.

Wala namang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Madalas pa rin siya nitong yakapin, panaka-nakang ninanakawan siya ng halik, hatid-sundo sa trabaho. Pero ang hindi alam ni Trent, nahuhuli niya itong palaging tulala at bumubuntong-hininga sa tuwing akala nito ay hindi siya nakatingin.

Napaigik si Janna kasabay ng pagkurap nang may dumantay na palad sa kanyang balikat. "Lisa, may sinasabi ka?"

"Parang wala ka sa sarili. Kanina pa kita tinatawag," anito.

"Sorry. May iniisip lang ako." Tumuwid siya mula sa pagkakasandal sa swivel chair. "Bakit nga pala?"

"May naghahanap sa'yo sa lobby. Ayaw magpakilala pero importante daw."

"Pupuntahan ko na. Salamat ha?" Tinahak niya ang pasilyo patungo sa elevator saka pinindot ang parihabang may nakaprintang 1.

Siyang paglabas niya, agad na may nagsalita sa kanyang likuran. "Kanina pa kita hinihintay."

"How did you find out my working place?"

"I have my source."

Pinasadahan niya ng tingin si Kath. Fitted jeans matching with plain black long sleeve na may mga butones sa gitna ang white doll shoes ang suot nito. Naalala niyang ganoon din ang ayos nito nang sumugod ito sa condominium isang linggo na ang lumipas. The Kath she knew doesn't wear something like that. She always ramped herself with miniskirt na isang dangkal mahigit ang haba mula bewang, fitted blouse as top and more than 2 inches high-heeled stiletto in her footwear.

'What happened to the old Kath?'

"Are you done checking me out?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin. "I'm sorry for being rude. Anong sadya mo?"

"Do you really want to discuss it here?"

Muntik na niyang batukan ang sarili nang mapagtantong nasa gitna pala sila ng lobby. Sinipat niya ang relong pambisig. Eksaktong alas dose na. May isang oras siyang breaktime.

"Halika. Dito tayo mag-usap," aniya.

Dinala ni Janna si Kath sa cafeteria na matatagpuan lang din mismo sa first floor ng building nila.

"So, pwede ko na bang malaman kung ano ang kailangan mo sa akin?" She asked after they made themselves comfortable. Seated opposite to each other with a round table between them.

Sa totoo lang, kinakabahan siya. Ngunit kailangan niyang patatagin ang sarili. Pwede naman niyang huwag itong kausapin pero ayaw niyang maging duwag. Mayroon din siyang nais malaman mula kay Kath.

"Hiwalayan mo si Trent." Walang kagatol-gatol nitong sabi habang diretsong nakatitig sa kanya.

Janna groaned inwardly. 'As what I expected.'

----

I dedicate this chapter to HideThePain_12 and angelvsdevel07 salamat sa pag-engganyo sa aking mag-update 😊

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon