Chapter 20

618 24 19
                                    

"Thank you."

Kasimbilis ng kidlat nang bumaba si Janna ng entablado. Hayun at tinatambol na naman ng kaba ang kanyang dibdib na pansamantalang nawala habang kumakanta siya kanina.

Malapad ang ngiting sinalubong siya ni Alyanna pagkababang-pagkababa niya.

"You nailed it, girl!" she giggly blurted.

Alanganin siyang napatingin dito. "You think so?"

"One hundred percent sure. Kung ayaw mong maniwala, tumingin ka sa paligid," anito sabay buka ng mga braso.

She turned around and scanned the crowd. Nakatayo ang mga manonood, pumapalakpak habang nakatingin sa kanya. May ibang sinisigaw pa nga ang kanyang pangalan.

"See?"

Maang na napalingon siya kay Alyanna. Walang namutawing kahit anong salita mula sa kanya.

To say that she was overwhelmed was an understatement.

"Guess your nervousness blocked your senses," wika ni James na hindi niya namalayang nandoon din pala. Nakapamulsa ito habang naglalakad papalapit sa kanila. Nanulay ang masuyong ngiti sa mga labi nito. "Congrats, Janna Nicola. You made our department proud."

Nahihiyang yumuko siya. "Thank you, gov."

Ginulo nito ang kanyang buhok. Pakiramdam tuloy niya tila siya munting bata.

"So let's go back to our wing? I'm pretty sure, hinihintay na ng mga ka-department natin ang star of the night," anito.

"Star of the night talaga?" sabi niya.

"Of course! Magwewelga talaga ako 'pag 'di ikaw ang nanalo," eksaheradang singit naman ni Alyanna na kapwa nagpatawa sa kanila ni James.

Habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang wing ay pulos papuri ang natatanggap ni Janna mula sa taga-ibang department na nadaraanan nila. Samantalang masigabong palakpakan naman na may kasama pang sipol ang sumalubong sa kanya nang nasa wing na sila ng AB English Department.

Kiming ngiti lamang ang kanyang tugon sa mga ito. Naiilang siya. Hindi kasi sanay na nagiging sentro ng atensyon.

"Hey! Chin up, they're praising you."

"Alam ko, gov. 'Di ko lang alam kung paano pakikitunguhan ang mga papuri nila."

Sa ikalawang pagkakataon ay ginulo nito ang kanyang buhok. Naging habit na ata nito iyon sa kanya. "Humble as always."

Ilang kalahok pa ang sumunod kay Janna bago natapos ang singing contest. Ang 'Romantikong Pag-awit' ang huling patimpalak para sa gabing iyon na sinundan naman ng sayawan.

Pumailanlang ang 'sweet music' saka isa-isang nagtayuan ang mga naroroon papunta sa gitna ng bulwagan habang akay-akay ang kanilang kapareha.

Nawiwili siyang nanonood sa mga sumasayaw nang may kamay na biglang inilahad sa tapat ng kanyang mukha. Nag-angat siya ng ulo.

"May I have this dance?"

Napatanga lang siya kay James. Seryoso ba ito?

"Tanggapin mo na, Dizon. Minsan lang magyaya ng sayaw si gov, consider yourself special," sulsol sa kanya ng isa sa mga senior nila na hindi niya kilala kung sino.

"Siya nga naman," dugtong ng isa pa. "Ang guwapo pa ni gov, pwedeng-pwede mo na 'yang irampa."

Sunod-sunod pa ang ginawang pambubuyo sa kanya ng mga kasama nila roon. Kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag.

"Inuunahan na kita gov, parehong kaliwa ang mga paa ko," aniya sabay abot ng kamay ni James.

Tinawanan lang siya nito. "No worries. Parehong kanan naman ang sa akin. "

Naiiling na ipinatong nalang niya ang mga kamay sa mga balikat nito.

+++

Trent was already bored to death. Unlike those past years, he found no fun in this occasion. Especially the dancing part. Na-i-enjoy lang naman niya ito noon nang dahil kay Kath.

At mukhang ganoon din ang nararamdaman ng mga kaibigan niya. Dahil ni isa sa kanila ay walang tumayo upang magyaya ng maisasayaw.

They didn't even bring dates with them.

"Uhm... hello, Kyle. Do you like to dance?"

He smirked. May naglakas ng loob na lumapit sa pinakasuplado niyang kaibigan. Sana lang ay hindi ito mapahiya.

But as what he expected, Kyle didn't even bother to answer her.

Trent noticed that the girl was tall and slender. She also had the body to die for. However, the likes of her was not new for them.

Tulak marahil ng kagandahang-asal ay sinagot ito ni Mikhail, "Pasensya ka na, miss. Hindi kasi talaga sumasayaw ang kaibigan namin."

Binalingan si Mikhail ng babae. "How about you? Maybe we could dance?"

And how he wanted to burst out into laughter when Mikhail gasped.

Pero 'di tulad ni Trent na nakapagtimpi, humagalpak ng tawa si Vincent. "Ayan kasi? tol. Pa-'hero to the rescue' ka kasi."

Sinamaan ito ng tingin ng una kaya tumigil ito sa katatawa.

"A..." Napakamot ng noo si Mikhail sabay sulyap sa kanya. Tila nagpapasaklolo.

He just shrugged.

Anong maitutulong ko? Baka 'pag nakialam ako, ako na naman ang yayain ng babaeng 'yan.

"I'm sorry, miss. I have a date," biglang sabi nito saka inakbayan ang babaeng dumaan.

And to his surprise, the girl was no other than Janna's sister and Tricia's bestfriend.

Maging ang babae ay nagulat din sa ginawa ng bestfriend niya pero hindi na ito nakapag-react dahil hinila na ito ni Mikhail palayo.

Akmang magsasalita ang naiwang babae nang unahan na ito ni Vincent.

"Huwag mo ng tangkain pang yayain ang sino man sa amin, miss. Dahil ni isa sa amin, walang gustong makipagsayaw; sa iyo o kahit na kanino."

Walang pasabing nagmartsa palayo ang babae.

Paminsan-minsan may pakinabang din talaga ang pagiging barumbado ni Vincent, naiiling na nasabi niya sa isipan.

"Tsk. Kawawa na naman ang isa sa mga kabaro ko." Buhat sa kung saan ay lumapit sa kanilang mesa ang kapatid niyang si Tricia.

Wala siyang kamalay-malay na nanonod pala ito.

"Alam niyo bang maraming mga babae ang nanghahangad na maisayaw ninyong apat? Well, pwera sa'yo kuya kasi off-limits ka. Pero ang dalawang 'to," dinuro nito sina Kyle at Vincent, "ang aarte, masyadong pa-importante. At ang damuhong Mikhail dinamay pa ang bestfriend ko para makaiwas!"

Pagkatapos maglitanya ng kapatid niya ay padabog sila nitong iniwan.

Amused na napatingin sa kanya si Kyle. "May issue ba sa atin ang kapatid mo?"

"Hindi ba obvious?" balik-tanong niya.

"Baka may nagugustuhan 'yon sa amin?" si Vincent.

Nagkibit-balikat siya. "Don't know. Pero sa tingin ko wala."

Nang makarinig ng hiyawan ay natahimik sila.

Their eyes immediately flew to the direction where the noise came from. His initial plan was to torn his gaze right after he found out what it was but when he saw the two figures dancing, which were also the reason of the commotion, his gaze lingered.

Guess I was wrong that the song was meant for me.

At nang inilapit ni James, one of his teammates, ang bibig nito sa tainga ni Janna, ayaw man niya pero may bahagi sa kanya ang nais magwala.

Crap!

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now