Chapter 25

614 20 15
                                    

"Falling for her? Ha! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, tol?!" he exclaimed in disbelief. "Isa lang ang babaeng kinahuhumalingan ko. At 'yon ay walang iba kundi si Kath?"

"Really?" Nang-uuyam na balik ni Kyle sa kanya. "So, I guess it's okay for you if Janna will go out with James. I heard that the latter likes her."

He gulped and averted his eyes. "I don't care."

"Sabi mo, e." Kyle said then raised first from his seat.

Hanggang sa nagtungo sila sa AVR to attend PESLA (Pre-employment Seminar for Local Applicants) na laan para sa mga graduating students ay paulit-ulit pa ring naririnig ni Trent ang sinabi ni Kyle.

"You're falling for her."

No way!

Pero tila tuksong nakikinita niya sa balintataw ang mga ngiti ni Janna habang nakatitig sa kanya; inaakalang hindi niya napapansin. Sa tuwing nagluluto ito o maging ang mukha nitong lumuluha kapag nasasaktan niya.

He inwardly groaned when he felt someone seems clutching his throat as he remembered her painful reaction after their last argument.

"Asshole." Referring to himself while closing his eyes.  Smacking his head lightly in the wall.

Forget her. Just for now, stop thinking about her, Trent Javier. You're in the middle of a seminar, moron. Focus!

Ngunit paano naman siya makakapag-focus kung saktong pagdilat ng kanyang mga mata, ang maamo nitong mukha na matamang nakikinig sa lecturer ang kanyang nakita?

Nakakatawa.

Tatlong baitang ng bleacher ang pagitan nila. Ni karayom ay mahihirapang lumusot sa dami ng mga naroroon subalit heto siya, mula sa kinauupuan, kitang-kita niya si Janna sa ibaba.

Pero agad siyang napabusangot nang makilala ang katabi nito.

Ba't ba laging nakadikit sa kanya ang unggoy na yan? Ano siya? Buntot?

Kasunod ay nagtagis ang kanyang ngipin nang sundot-sundotin ni James sa tagiliran si Janna.

Aba't!

Muntikan pa siyang tumayo para bigwasan ang una. Mabuti nalang at maagap niyang napigil ang sarili.

While his gaze fixed at them, he noticed Janna rose and strode her way to the exit. He never thought twice. He followed her trail.

+++

Siraulong James.

Janna couldn't help but to grin kapag naaalala ang kakulitan ng kaibigan. It had been weeks nang magkabati sila. At ni katiting ay wala siyang pinagsisisihan sa pakikipaglapit muli rito.

He was like a breath of fresh air for her.

However, the grin on her face suddenly wiped off when  she remembered Trent. Until now, hindi pa rin sila nagkakaayos. Not that they were okay in the first place, pero maging siya kasi ay umiiwas na rin dito na hindi naman niya kayang gawin dati.

Maybe because she was deeply hurt and embarrassed on his blatant rejection when she confessed her feelings for him.

Hinamig niya ang sarili. Inayos ang nakalugay na buhok sa harapan ng salamin pagkatapos ay lumabas ng comfort room.

Only to stepped back nang sa pagbukas niya ng pinto, ang lalaking laman ng isipan ang kanyang mamataan. Prente itong nakasandal sa wall katapat ng ladies' comfort room. Mariing nakatitig sa kanyang gawi habang nakapamulsa.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now