Chapter 43

592 16 9
                                    

Madali lang palang sabihin ngunit mahirap gawin. Iyon ang napagtanto ni Trent nang hinahanap na niya si Janna. Nangangapa siya kung saan magsisimula. Walang clue kung saan ito pwedeng magtungo. Napakalawak ng sakop ng Pilipinas. Posible ring nangibang-bansa ito.

Lumipas na ang mga araw, linggo, buwan, at taon.

Kalahati. Isa. Dalawa.

Still, no news about her.

Naging licensed engineer na siya. He even ranked 3rd place. But his happiness was not to its fullest. Worst! Ni wala nga siyang makapang kaligayahan sa tagumpay niya.

Binalot siya ng lungkot nang maalala ang naging usapan nila ni Janna.

"We will have our church weeding after you passed the board exam," nakangiting usal nito.

Mangyayari pa kaya ang pinangarap nilang kasal?

Dumagdag pa sa sakit ng kanyang ulo ang madalas na pangungulit ni Kath. Kahit anong sabihin niya rito, hindi pa rin siya nito tinitigilan.

And Daddy Victor.

Nahilot ni Trent ang sintido nang maalala ang biyenan. Until now, he was giving him a cold shoulder. He beg him several times to tell Janna's location but he kept his mouth shut. Even Rain.

Pinapahirapan talaga siya ng mag-anak.

Naputol ang paglalakbay ng kanyang isipan nang may kumatok.

After uttering 'come in' ay pumasok ang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na jacket.

"Did you find her?" tanong niya.

Umiling ang lalaki.

"Any leads?"

"Nothing, sir."

Naitapon ni Trent ang nakalukot na tracing papers sa ibabaw ng mesa.

Ganoon ba kagaling magtago si Janna o sadyang hindi lang marunong maghanap ang investigator na kinuha niya?

Pero ayon sa head ng agency, ito raw ang pinakamahusay.

Iminuwestra niya ang kamay para palabasin ito. Isinandal ang likod sa sandalan ng swivel chair habang ang mga palad ay ihinilamos sa mukha.

Sa bawat oras na dumaraan ay dinadamba siya ng pangamba. Paano kung may ibang lalaki itong nakilala? Paano kung nahanap na ni Janna ang pagmamahal na hindi niya lubusang maibigay noon? Paano kung wala na pala siyang puwang sa puso nito?

Aaaah!

What ifs.. those what ifs were driving him crazy.

Kinuha ni Trent ang nakasabit na coat. Alas kwatro y medya pa lang pero uuwi na siya. Hindi na rin naman siya makapag-focus sa trabaho.

The perks of being the boss.

Habang nagmamaneho ay 'di sinasadyang mahagip ng kanyang paningin ang lalaking kagagaling lang sa kanyang opisina.

Lalagpasan na sana niya ito. But his gut was screaming to follow the man. Listening to his other side, he maneuvered the steering wheel for a U turn.

Saktong pagdating niya sa pinasukan nitong coffee shop ay nakita niya ito agad. Sitting at the corner of the shop with its back faced to him. He was holding his phone near his ear.

Pumuwesto siya sa likuran nito.

"Yes, attorney. I already told your son-in-law---my bad. I mean I already told Mr. Alonzo that I couldn't find the whereabouts of your daughter."

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now