KABANATA XLVII

23.3K 327 31
                                    

KABANATA XLVII: All this time

My lips trembled and my knees shook like it lost all the energy it has. Hindi ko sinasadyang mabitawan ang bagong dyaryo na hawak ko. Masakit pa rin pala na makitang makahanap ng bagong mamahalin ang lalaking hanggang ngayon ang tinitibok pa rin ng puso ko.

'The society awaits for an engagement anew: Socialite and business heiress Ciara Savannah Elizalde and Eligible Bachelor Kenneth Andrew Montemayor in action'

Parang may matalim na bagay ang tumarak sa dibdib ko. It's Ken and Ciara for cryingout loud. Kuhang kuha sa litrato ang pagkain nila ng labi ng isa't-isa habang nasa loob ng kotse ni Ken. Yes, I know its him kahit hindi pa sabihin sa artikulo ang pangalan niya. Kahit pa madilim ang kuha at tanging mukha lang ni Ciara ang malinaw. Ang bulto ng katawan na yun ay hinding-hindi ko makakalimutan. Minsan ko ng nahawakan at natitigan ang katawang yan kaya hindi ako magkakamali na pagmamay-ari yun ni Ken, ng lalaking mahal ko na mukhang pagmamay-ari na ng iba.

Of all the women in the world, why Ciara? Why her? Napangiti ako ng punog ng pait. Fate is really playing so damn good. Una ay ako at ang lalaking Elizalde ngayon naman ay silang dalawa. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit na hindi ko maipaliwanag.

Nagmamadaling tumakas ang mga luha sa aking mga mata. Para akong isang bata na inagawan ng laruan sa pagkakataong ito. I could feel so envious about that article. Selos na selos ako kahit alam kong wala na akong karapatan.Pakiramdam ko ay anumang oras mamatay na ko sa selos sa dibdib ko.

Akala ko kasi kaya kong tanggapin pag nakahanap na siya ng babaeng pagbabalingan niya ng atensyon. Akala ko ay masisikmura kong tingnan siyang may kahalikang iba bukod sa akin. Akala ko ay hindi na siya makakamove on sa kung anumang relasyon ang namagitan samin. 

Puro maling akala na pumapatay sakin ngayon.

Lahat ng akala na yun ay pinasinungalingan ng larawang dumurog sa dibdib ko ngayong araw. Masakit pa rin pala kahit alam kong ako mismo ang nagtulak sakanya palayo sakin. Palayo sa pagmamahalan naming hinahadlangan ng pagkakataon.

Hindi ko naman hinihiling na habang-buhay siyang makulong sa pagmamahal sakin pero hindi ko inaasahang ganun kadali. Na sa loob ng 3 buwan ay nagawa na niya kong palitan habang sa puso ko ay siya at tangi siya pa rin ang laman.

Ako man ang nakipaghiwalay umaasa pa rin akong lalaban siya pero tulad nga ng sabi ko it's too much to ask. His loyalty is too much to ask especially I was the one who betrayed him.

Napahawak ako sa bibig ko para hulihin ang patakas na palahaw na iyak. Ayaw kong may makarinig sakin pero sa bawat pagpigil ko ay lalo lamang lumalakas ang iyak na nagmumula sakin. Hinahabol ko na ang aking paghinga sa sobrang pagbuhos ng luha sa mga mata ko at pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. 

Gusto ko ng mamatay. Pagod na pagod na kong umiyak. Pagod na pagod na kong masaktan. Pagod na kong mabuhay sa mundo na wala namang ginawa kundi ang pasakitan ako.

Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha kong wala ng paglagyan ng luha. Napakamiserable ko na. Hindi ko na alam kung paano pa ko magiging malakas ngayong pati si Ken ay sumuko na sakin.

Nasa ganung kalagayan ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Binalot ng pangamba ang dibdib ko at nanginig ang buo kong katawan. Masyado pang maaga. Hindi pa ito ang oras para dumating siya.

Natatakot akong iluwa nun si Jasper. Hindi ko na naman alam kung saan ako pupulutin pag nagkataon. Baka kung ano na naman ang gawin niya sakin. 

"Anak...." gusto kong huminga ng maluwag dahil hindi ang baritonong boses ni Jasper ang  nagsalita pero,  "Magmadali ka andyan na si Jasper pinagbubukas na ng tarangkahan ni Teban." nabalot din ng kaba ang dibdib ko sa sinabi ni Yaya. Maaga siyang umuwi ngayon at hindi namin parehong inaasahan ang pagdating niya.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon