KABANATA XXVIII

26.4K 449 13
                                    

KABANATA XXVII: Elevators

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Matteo. Tiningnan ko siya at binigyan ng matamlay na ngiti. Napansin siguro niya ang mood ko ngayong umaga. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang gumising ng maaga ngayon samantalang buong gabi ko iniisip ang nangyayari samin ni Ken.

Sumimangot siya at dinuro sakin ang tinidor na hawak niya, "Hoy Amanda hindi mo ko madadala sa ngiti-ngiti mo na yan. Your eyes say it all. Anong problema?"

 

 

Yumuko ako at tinusok-tusok ang bacon and eggs na tinake-out namin kanina. Wala akong gana kumain at para ngang lalagnatin pa ang pakiramdam ko pero naisip kong dala lang ito ng pag-iisip ko samin ni Ken.

I sighed. "I'm a stupid girlfriend Matt, napakatanga ko." I said out of nowhere. Yun yata talaga ang dapat itawag sakin ngayon. Sino ba namang lalaki ang matutuwa na mismong girlfriend pa niya ang nakalimot sa monthsary nila. When normally yung babae ang nagpapaka cheesy sa isang relasyon.

I guess I'm really not a typical girl. Hindi ako tulad nilang punong-puno ng sweet bones sa katawan. Ni hindi ko nga alam na dapat pala namin icelebrate yun.

"Si Ken ba?" napakunot noo ako.

"Am I that obvious?" wika ko na bigla niyang ikinatawa.

"Oh well I'm sorry for the laugh pero haler we've been stuck with each other for the past years. Kabisado ko na yang mga mata at buntong hininga mo. Isa lang ibig sabihin niyan, problemang puso."

Inirapan ko siya. Nakakaasar talaga bang pinagtawanan niya pa ako. Samantalang hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa nangyayari.  

"Bwisit ka talaga." Inis na utas ko sakanya.

"Okay okay sorry naman. Si Ken nga noh, sabagay sino pa nga ba eh siya lang naman madalas mong kasama ngayon. And by the way kamusta nga pala yung surprise niya nung monthsary niyo?" nakangiti siya ng abo't tenga samantalang ako ay puno ng pagtataka.

"Paano mo nalaman yun?" nakakainsultong mas alam pa ni Matteo yung araw na iyun kaysa sakin na mismong girlfriend niya.

"Ay te hindi ba niya sinabi?" umiling ako. Sa loob-loob ko ay hindi nga natuloy ang celebration namin kaya paano niya pa masasabi ang tinutukoy niya. "He called me last week. Sabi kailangan daw niya ng help ko syempre go ako dun tapos nalaman kong monthsary niyo pala. If only you could see his apple-red cheeks na nahihiyang nagpapatulong sakin that time baka matawa ka o baka naman himatayin sa sobrang kilig."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pinaghandaan niya talaga ang araw na iyun kahapon.

"Tapos?"

 

 

 

"Ayun nga I told him everything that you want. From the music and all, pati nga favorite food mo prinepare niya with my help of course kasi malay ko bang tanga yung boyfriend mo sa kusina. Siguro mga apat na beses siyang nahiwa kakaslice ng ingredients kaya lang ayaw naman hayaan na ako na maghiwa kasi gusto daw niyang personally made by him ang kakainin niyo. Ang arte este cheesy pala." Bahagya pa siyang natawa habang nagkwekwento. Unti-unti ng nadudurog sa kinauupuan ko.

Pwede ng sabitan ng award si Ken sa sobrang effort na ginawa niya. Tapos ako sasabitan ng arinolang butas dahil sa pagsayang sa effort niya na yun.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon