KABANATA LVII

25K 414 5
                                    

KABANATA LVII: Let go, baby.

It was a Sunday morning and their family invited me over for day out in their garden. I think it's some sort of celebration for Ken's fast recovery and well the unborn Montemayor inside my tummy.

Lahat 'yata sila excited sa pinagbubuntis ko. Both sides are extremely happy na umabot sa puntong nakapamili na sila ng kaniya-kaniyang gamit para sa anak namin.

My side of the family bought baby apparels for a boy. Mula sa isusuot sa ospital hanggang sa mga gamit niya sa paglaki. But the thing that surprised me the most, Dad bought a Ferrari car for my unborn child.

Halos malaglag ako sa pagkakaupo nun nang sabihin niya sakin na ngayon palang ay naibili na niya ang kaniyang apo ng kotse. And it's not a simple car, its a goddamned ferrari. Hindi biro ang presyo nun. And when I told Ken about it, he laughed his arse out. Imbes na mabigla tulad ko ay tumawa lang siya.

Kaya naman pala tuwang-tuwa siya, he knows about the car. Nag-usap sila ng Daddy ko para sa sasakyan na 'yun. My Dad consulted his take on the car. He wanted to take part of the cost pero hindi daw sumang-ayon si Dad. Gusto daw niya na ang unang sasakyan ng apo niya ay siya ang nagbigay. Ganun rin kasi ang niregalo ni Dad kay Tofer na unang apo niya.

Laking pasalamat ko na lang din na magkasundo sila.

I love the fact that my greatest love is in good terms with my father.

Hindi rin nagpatalo ang side ni Ken sa pagbili ng mga gamit. Ken's mom bought a bunch of baby girl stuffs. Everything is color pink and white. I love pink kaya nagkakasundo kami ni Tita.

But it also surprised the hell out of me nang ipakita sakin ni Tita ang BIG gift nila sa anak ko. She showed me a catalogue of personally designed dress. From baby clothes to cotoure dresses na magagamit niya in the future. Pero ang ikinatuwa ko ay ang isang set ng damit na terno kami ng anak ko. We have matching clothes on a dozen of clothes.

Lumuwa ang mata ko nang malaman ang presyo nun. Mas mahal pa yata sa isang kotse ang halaga. Gustuhin ko man tumanggi at ayawan ang inaalok niya ayaw ko naman na magtampo ang Mommy ni Ken. So with a heavy heart, I accepted the gifts.

"Malamig dito, iha. Why don't you stay inside? You're Tita is baking some cookies for the troop."

I smiled at Tito Leo. Kanina pa ko dito sa garden nila. Nang magwalk-out ako sa loob ay dito na ko tumambay. Pinuntahan na rin ako ni Ken para suyuin, which is hindi naman dapat kasi hindi naman ako galit, pero inutusan ko siyang ikuha ako ng pagkain. Medyo na-guilty naman ako nang mabagal siyang naglakad pabalik sa loob.

Tito Leo walks his strides towards me. Nakasimpleng pants at white shirt lang si Tito pero tulad ni Ken kitang-kita ang kakisigan niya. Nakikita ko tuloy ang future look ni Ken.

"Nagpapahangin lang po, Tito. Baka po mapasabog ko yung kusina niyo pag tumulong ako kay Tita." Sagot ko habang umuusog sa kinauupuan ko. Binigyan ko ng espasyo para makaupo siya.

Humalakhak siya. "Mukhang mahihirapan kayo ni Ken sa bahay. Kakailanganin niyo si Manang." Pagbibiro niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Pareho kaming hindi marunong sa kusina ni Ken kaya kung magkataon ay tama nga si Tito. Mahihirapan nga kami sa araw-araw. Nakakahiya tuloy, kasi ako ang babae pero wala akong alam sa gawaing bahay.

"Kailangan ko na po yatang mag-aral sa cooking school, baka iwanan ako ni Ken pag nagkataon."

Umiling-iling si Tito. "That won't make my son leave you, Iha." Sabi niya habang nakangiti sakin. "Hindi mababaw ang anak ko para iwanan ka sa ganung dahilan. He would rather call his mom every day for home cooked meal than bother leaving you behind. He's just madly insane about you."

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon