KABANATA II

64.2K 1.1K 35
                                    

Kabanata II: Panic

Sometimes, it's good to cut people out of your life. Less drama and complications. Gusto ko nang tahimik na buhay, ng tahimik na puso yung walang gumugulo every now and then. Yung walang nagpapaiyak.

--0OOo--

From: Chrome

Why the hell are you ignoring my texts?

Did you go home safely? Text me ASAP!

--0OOo--

Napailing ako pagkabasa ng text niya. Kanina pa niya ko tinetext at paulit-ulit lang ang sinasabi niya, kung hinahatid niya sana ko kagabi hindi ko sana makikila yung rapist na yun at hindi sana maisusuko ang bataan.

Tapos kung maka-order siya na itext ko siya para namang responsibilidad kong ipaalam sakanya ang lahat ng nangyayare sa buhay ko.Lalo lang nadadagdagan ang pagkaasar ko sakanya. Magsama sila ng asawa niyang hilaw.

"Girl, kawawa ang Iphone mo sa sobrang gigil baka mabiyak yan." Gusto kong ibato sakanya yung telepono ko ng mawala ang pagkaasar ko pero hindi pwede sayang wala pa kong pambili with all my credit cards suspended. My salary is the only support system that's keeping me alive.

"Tantanan mo ko Mateo kundi ihahampas ko sayo to." Pagbabanta ko. I'm not in the mood for jokes. Ngayon ko lang nararamdaman ang hangover ng ininom ko kagabi.

"Brutal. Si Papa Chrome noh? Kelan ba kasal nila ng magtigil ka na sa pagsusungit at paghohopia mo sa pagmamahal niya." Napatingin ako ng marahas sa kanya at binato yung bungkos ng papel sa lamesa ko.

"Aray naman girl" aniya sabay himas sa parting tinamaan ng crumpled papers. "Isang salita mo pa isasama kita sa libingan kasama yung dalawa na 'yun." tapos tumalikod na ako at tumungo sa pantry.

Napailing ako. Ganun na lang talaga ang tama ko sa ungas na Chrome Ezekiel na yun. Isang simpleng hindi niya paghahatid sakin ay nadidismaya ako ng ganito at nagawa ko pang matulog sa condo ng isang hindi kilalang lalaki.

Nagtimpla ko ng kape para kahit papano maibsan ang kahibangan ko sa lalakeng yun. Nadagdagan pa tuloy ang problema ko, hindi ko kasi makita yung susi ng condo and I hope I didn't left it in his condo.

Pagbalik ko sa opisina ay nagkakagulo silang lahat. Nanghahaba ang mga leeg nila kakasilip sa opisina ng department head. "Oi bakla may ano at hindi ka mapirmi diyan?" para siyang isdang inasinan na kawag ng kawag. "Andyan na siya andyan na siya" sabi nito habang magkadikit ang dalawang palad sa tapat ng dibdib niya.

"Sino?"

"Yung bagong uupo sa position ni Mam Annie" ngayon palang dating niya? Si Mam Annie ang department head, pero dahil manganganak siya ay kinailangan niyang mag maternity leave. Sayang nga dahil mabait ito at kasundo naming lahat.

"Mabait ba?"

"Hindi ko alam pero gwapo as in super ang maskels mapa biceps, triceps at kung anu-anong ceps ceps pa yan masarap sipsipin yummy." Ang manyak talaga ng baklang to, basta pagdating sa mga lalaki hindi siya papahuli.

"Ang landi mo bakla" inismidan ko siya at nagtungo na sa lamesa ko. Makikilala ko din yang bago naming boss, yung hindi galing kay Mateo ang source puro kalokohan lang sinasabi sakin.

Inumpisihan ko ng isa-isahin ang trabaho ko, it's the end of the month kaya naman naghahabol na kami ng mga reports na dapat ayusin. Pinasa kasi sakin yung trabahong iniwang ni Roxanne, bumalik na kasi siya sa Amerika. Pinatawag ng lolo niya kaya ayun mega fly ang loka hindi man lang nagpaalam samin.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon