Chapter 20: A Pleasant Surprise?

5K 109 31
                                    

Chapter 20: A Pleasant Surprise?

Penny's POV

Bakit nandito si Vaughn? Anong kailangan niya? Ako ba ang dahilan kaya siya pumunta? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magre react.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ay nginitian siya. "It's a surprise. What brought you here?" 

Lumapit siya sa akin habang nakangiti pa rin. 

For a moment there, I felt that my breathing  had stopped. Okay? That's a bit weird. Mukhang nasobrahan ako sa gulat. 

Bumuka ang bibig niya. "Well I—"

"Penny sis!?" sabi ng isang boses mula sa likuran ko.

Napalingon ako. There stood a familiar, beautiful and sophisticated woman. Halata ang gulat sa mata niya habang hinahagod ako ng tingin.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. "It is you! I missed you 'lil sis!" 

"A-ate Vanessa," I whispered.

"Yes! Ako nga!" Kumalas siya sa akin at tiningnan ako sa mukha.  "Wow! Look at you! You're so beautiful!" sabi niya na hanggang tainga ang ngiti.

Napangiti na rin ako doon. She's here. Ate Vanessa is here. I cant believe it. This time, ako naman ang yumakap sa kanya.  "I missed you ate Vaneesa," I said sincerely. It's been seven years since the last time I saw her. Ang akala ko, hindi ko na ulit siya makikita.

She hugged me back. "Ano ba!? Pinapaiyak mo ako!" garalgal pero tumatawang sabi niya.

Kumalas siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kumusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo ah. Kwentuhan mo ako daliiii!" excited na excited na sabi niya.

Natawa ako. Wala pa ring ipinagbabago si ate Vanessa. She's still bubbly as ever.

Vaughn cleared his throat. Napatingin kami ni ate sa kanya. "I'll get going then. Inihatid ko lang siya dito because she kept bugging me about seeing you." Straight face siyang tumingin kay ate Vanessa.

So that's why he's here. Akala ko talaga kung ano na. Kinabahan ako para sa wala?  Not that I'm disappointed or what. Nakakapagtaka lang talaga na pupunta siya dito nang biglaan.

"Eh kasi naman, bakit ba nagmamadali kang umalis non sa airport!? Hindi ko tuloy nakita si Penny!" nakasimangot na sabi ni ate Vanessa.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon