Chapter 1: New Episode of Love

17.8K 231 40
                                    

Fluffiness Alert! ^___^\/

You're warned. Enjoy. :)

Chapter 1: New Episode of Love






Penny's POV




*pak*




"Hmmmmmm..." Kinamot ko ang noo ko. May kung anong bagay kasi ang tumatama sa akin.





*pak*




"Hmmmmmm!" Ay! Leshe! Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh. Antok na antok pa ako. Pinuyat kasi ako ni Vaughn kagabi.......sa telebabad. Akala nyo, ano no?


Grabe yung lalaking yon. Ayaw akong patulugin. Buti na lang at walang pasok ngayon. Pero ang sakit pa ng ulo ko. Hindi ko nga maidilat ang mga mata ko eh. Tapos ito namang kung sinong linsiyak na 'to, iniistorbo pa ako. Nakuuuuu, pag ito si kuya Peter. Hmf!



"Ah ayaw. Time for plan B," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.


Tapos may naramdaman akong pressure sa tabi ko. Alam ko na kung sino ito. Pero nagkunwari pa rin akong tulog. Pinigilan ko rin ang sarili kong mangiti.


Naalala ko na naman yung engagement party namin last month. Most memorable and happiest birthday celebration I ever had.


"Hey babe, time to wake up. We have school today. Male-late na tayo."


I groaned. Tapos bumaling ako sa kabilang side. Nakakatamad kayang pumasok sa school. Katatapos lang kasi ng semestral break namin. 2 weeks lang kaya bitin na bitin ako. At isa pa, sarap lang pagtripan ng lalaking 'to eh. :D



Dumagan siya sa akin. "Talagang nagtutulog-tulugan ka pa ha? If I know, gusto mo lang mahalikan eh." Panigurado akong nakangisi naman ang kumag na 'to sa mga oras na 'to. -.-


Hindi pa rin ako nagmulat. Nag-snore pa ako nang mahina para isipin niya talagang natutulog ako.


Malapit ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko kasi ang mabango niyang hininga. At parang nagising ang buo kong diwa dahil doon. "If this  will wake a sleeping beauty up, I'm willing to take the risk of kissing her," bulong niya. Tapos marahang dumampi sa labi ko ang labi niya. Sandali lang naman. Parang smack lang. But still, nagdulot iyon ng kilig sa buo kong katawan.




This time, nagmulat na ako. "Hoy! Ano naman ang risk sa paghalik sa akin, aber?!"


Nagtakip siya ng ilong. "I'm talking about morning breath, honey." *grin* He pinched my nose. "Tooth brush ka muna." Kuntodo ngisi pa rin si Hudas.


"Ah ganon?! Sino ba kasing may sabing halikan mo ako?!" Tapos itinulak ko siya paalis sa pagkakadagan sa akin. Umupo ako sa kama at sumimangot. Tssss. Nakakahiya! Bad breath ba ako?


Pasimple akong huminga sa palad ko at inamoy ito.



Elk! Bad breath nga! Kahiya! >///<


Pero kahit na! Bakit siya ba, hindi bad breath kapag bagong gising? -.-


Niyakap niya ako mula sa likuran. "Sus. Tampo na naman siya. Gusto na namang magpalambing." Hinalikan niya ako sa pisngi.


"Hmf!" Nag-pout ako.


He chuckled. "Kahit na bad breath, maganda ka pa rin naman eh. Lalo na kapag bagong gising. You look so stunning and sexy," he said in deep and sexy voice. "And you smell good too. Para ngang ayaw ko nang pumasok eh. Gusto kong mag-stay na lang sa kwartong 'to maghapon at amuyin ka mula ulo hanggang paa." Idinikit niya ang ilong niya sa pisngi ko tapos hinawakan niya ang kamay ko at idinikit din ito sa ilong niya.


Tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Naramdaman ko ring nag-init ang pisngi ko. Tae! Kileeeeg! Walanjong lalake! Kahit kailan talaga ang galing magpa-kilig! >////<






No Penny! Wag kang magpapa-seduce sa kumag na yan! Ginagamitan ka naman ng technique niya!


Hinampas ko siya. "Ay! Ewan ko sa'yo Vaughn! Kailangan ba talagang ulit-uliting bad breath ako?!" =.=


Tumawa siya. "I'm just stating a fact, love."


"Buwiset! Kainis ka na ha!" Pinaghahampas ko siya.


"Aw! Hahaha!" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay para pigilan ako. Iniharap niya ako sa kanya.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon