Chapter 2: Julian

12.8K 160 31
                                    

Sorry po kung medyo lame ang chapter na 'to. Sorry din for the slow update. Na-explain ko na po sa previous chapter kung bakit medyo mabagal, diba?  Anyways, enjoy. :)

Chapter 2: Julian





Penny's POV




"Ikaw?!" bulalas ko habang nanlalaki ang mga mata ko.


He chuckled. "What a small world. Look who's here. How are you Penny?"



Naaalala niya pa ang pangalan ko?! Woah! Ano kasing pangalan niya? Nakalimutan ko na. ^___^\/


Basta J nagsisimula eh. "A-ah..he...he. Hello uhm.." Napakamot ako ng ulo. Bakit kasi nakalimutan ko ang pangalan niya?


"It's Julian. I can't believe na nakalimutan mo na kaagad ang pangalan ko. Parang last last month lang yon ah." Tumawa siya.


Namula ako. Kahiya naman. Ang dami kasing nagyari. Noong na-meet ko pa 'to sa mall, wala ako sa tamang pag-iisip dahil kagagaling ko lang sa heart break non. "Oo nga pala. Sorry," yumuko ako.


Ngayong yumuko ako, nakita ko na naman ang corneto kong natapon. Huhuhu. T.T Bakit ba lagi na lang niya nadidisgrasya ang mga ice cream ko? Tuwing magkakadaupang palad kami nito, palaging ice cream ko ang nadidisgrasya.


Napangiwi siya nang makita niya rin ang ice cream ko. "Uh-oh. Na-disgrasya ko na naman ang ice cream mo. Ang dami ko nang utang sa'yo." Napakamot siya sa batok. "Pasensiya na. Tara sa canteen. Ibibili na lang kita ng bago. Bayad na rin noong una tayong nagkita."


Ngumiti ako. "Naku wag na. Pang-apat ko na yan eh. Siguro sign yan na dapat, medyo magbawas na ako sa pagkain ng ice cream." Tumawa ako nang mahina. Pero sa totoo lang, parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Gusto ko pa eh. T.T


He chuckled. "You're really fond of ice cream, aren't you? Tuwing magkikita na lang tayo, palaging yan ang hawak mo."


I laughed nervously. Baka iniisip niyang PG ako. -.- "Uh. Favorite ko lang talaga yan. Na-rerelax kasi ako kapag kumakain ako ng ice cream eh."


He smiled. "Kung sabagay. People have different ways of relaxing. And yours are cute."



Natulala ako sandali sa kanya.



Ang gwapong nilalang. Buhay na buhay ang dimples. Kung wala lang akong Vaughn, baka nagka-crush na ako dito. Mukha pang mabait.


Natauhan lang ako nang unti-untng nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka ang mukha niya. Masyado na yata akong tumititig. Nakahlata. -.-


"A-ah. U-una na ako ha? May pasok pa kasi ako. Nag-excuse lang ako sandali sa teacher," paalam ko. Nakakahiya naman kung sasabihin kong wala talaga akong balak pumasok ngayon.


"Uhm, wait!" tawag niya.


Napahinto ako at lumingon. "Yes?"


"Anong course mo?" tanong niya.


"Accountancy. Ikaw?"


Ngumiti siya nang malapad. "Same here. 2rd year?"


Tumango ako.


Lumapit siya sa akin. "Sabay na tayo. Baka pareho tayo ng klase. Transfer lang kasi ako, kaya hindi ko pa kabisado itong school."


Nagulat ako. Wow! Talaga nga namang napakaliit ng mundo ano? Isipin mong pareho na kami ng course, pareho pa kami ng year level.


"Sige," sagot ko na lang kahit hanggang ngayon, gulat pa rin ako.







Sabay kaming naglakad at medyo itinour ko na rin siya. Habang naglalakad kami, napaplingon ang mga babae sa amin. Yung iba, kinikilig pa. May mangilan-ngilan pang nag-hi kay Julian.


At dahil mabait si Julian, kinakawayan at nginingitian niya rin ang mga ito. Ang resulta? Nagkalat na mga panty sa sahig at mga babaeng nawalan ng malay at ulirat. Pero syempre, idiomatic expression lang yon. Ang totoo, tilian lang na matinis at masakit sa tenga. -.-



Tsk..tsk. Makarisma rin ang isang 'to. Nadagdagan na naman ang so called "hearthrob" ng school. At kasabay nun, nadagdagan na naman ang mga death glares sa akin. Hay, ano bang bago? Sadya yatang magnet ako ng mga gwapo. Gustuhin ko mang lumayo sa lalaking 'to dahil baka machismis kami, hindi ko magawa. Ako kasi ang unang kakilala niya rito at bago pa lang siya. Kawawa naman kung iiwanan ko. Isa pa, kaklase ko siya.


"Mukhang mababait ang mga tao rito," nakangiting sabi niya sa akin.


I rolled my eyes. "Yeah right," I said sarcstically.


Natawa siya. "Bakit?"


Napasimangot ako. "Siguro sa mga katulad mong gwapo, mababait sila. Lalo na yang mga babae. Pero sa mga katulad ko? *scoff* Himala na lang kung makalabas ako sa school na ito ng hindi nakukuyog ng mga babae. Lalo na at ka-chuchu ko yung isa sa mga prinsipe nila," straight face na sabi ko.


"Prinsipe?" takang tanong niya.


Natawa ako. Hindi niya pala alam yon. "Well, alam mo kasi, may so called royalties dito sa school natin. Yung mga lalaking tinaguriang hindi pangkaraniwan ang mga pagmumukha na halos sambahin na ng sangka-babaihan sa school na 'to. Actually, tatlo sila. At mukhang may makokoronahan na namang isa." Tinignan ko siya.


Narinig sa buong corridor ang tawa niya. "Ako ba tinutukoy mo?" manghang tanong niya.


"Hindi! Hindi! Yung katabi mo," pamimilosopo ko. "Obvious naman eh." -.-


"What made you say that?" amused pa ring tanong niya.


"Hello! Did you even bother looking at the mirror? And hello! Karamihan ng population nito, mga kababaihan. Kaya wag ka nang magtaka."


Napangiti siya. "I'll take that as a compliment. Thanks."


Ngumiti na rin ako. "Whatever."


Tumawa ulit siya. Hindi naman siya masiyahing tao ano? Ang hilig tumawa. Parang nakakahawa tuloy ang positive aura niya.


"Ay nga pala. Naalala ko lang yung sinabi mo kanina. Ka-chuchu mo yung isa sa mga prinsipe. What does that mean?"


Grabe, hindi niya ba talaga alam ang salitang kalye? -.-


Napayuko ako. Ano kayang magiging reaksiyon nito kapag nalaman niyang ikakasal na ako sa ganitong edad? "Well, you see...uhm...may kaugnayan ako sa isa sa mga prinsipeng yon."


"One of them is your boyfriend?" tanong niya.


"Uh...parang ganon, pero hindi," sagot ko.


Confusion wrapped his face. "Huh? Ang gulo naman. Anong ganon, pero hindi ganon? It's complicated parang ganun ba?"


Shemay naman! Kung hindi lang kasi ako nahihiya eh.






Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon