Chapter 16: Betrayed

5.6K 149 30
                                    

Chapter 16: Betrayed

Penny's POV

Tiningnan niya ako na punong puno ng kahulugan. Sinidlan ako ng matinding kaba. A-anong ibig niyang sabihin? Naging sunud sunuran kina daddy? Saan? Bakit? 

"Penny, you need to know something," seryosong sabi niya.

"Vaughn! Don't you dare!" sigaw ni tito Vassil.

Hinawakan ni daddy ang kamay ko. "Let's go home Penny."

Naguguluhan akong napatingin kay daddy. Pagkatapos ay binawi ang kamay ko. "No Daddy." Bumaling ako kay Vaughn. "Go on."

Lumapit sa akin si Vaughn. "Just leave me alone and never bother me. You don't have to know it. You can just go home with your dad," bulong niya. Sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig. Hindi na galit ang nasa mata niya ngayon. His eyes are pleading now.

Nag init ang sulok ng mga mata ko. "Oh come on Vaughn," I scoffed. "Don't be a coward now. Sinimulan mo na, tapusin mo na. And you know I won't do that. I can't leave you alone now," matigas kong sabi.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Then, you leave me no choice."

Inihanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya.

Lumunok siya bago magsalita. "These were all lies," matigas niyang sabi. "The bankruptcy, the trust fund, you and me needing to be married immediately, everything."

Natigagal ako sa sinabi niya. Lies? Lahat kasinungalingan lang. My lower lip trembled. Hinawakan ko siya sa balikat. "Sabihin mo sa akin, nagsisinungaling ka lang diba?"

Nag iwas siya ng tingin.

"Tingnan mo ako ng diretso!" sigaw ko.

Tumingin siya sa akin nang diretso. "Hindi ako nagsisinungaling! It's the truth." 

Unti unti akong napabitaw sa kanya. He is serious. Nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagsisinungaling. Nanlambot ang mga tuhod ko. "D-daddy totoo po ba ang sinabi niya?" nakayukom at nakayukong tanong ko.

Hindi sumagot si daddy.

"Answer me daddy!" sigaw ko.

"I-I'm so sorry anak," he croaked.

Shocked, hurt, betrayed, iyon ang nararamdaman ko ngayon. Humarap ako sa kanila. Nag uunahan nang pumapatak ang mga luha ko. Umaasa akong humarap kay momma. "Momma, alam niyo po ba ito?" Please momma, you have nothing to do with this right? Katulad ko, nalinlang ka lang din, hindi ba?

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon