Chapter 37: The Truth

575 14 2
                                    

PENNY

"Tita Penny, color pink po dapat yan," sabi ng pamangkin kong si Muffy sabay abot ng crayon sa akin.

"Okay baby," nakangiting sagot ko.

Iniwan muna sa akin nina kuya si Muffy dahil may appointment sila sa isang kliyente.

It has been three days since Vaughn suddenly showed up here. Pagkatapos 'non, hindi na siya ulit bumalik.

He said he loves me, kahit noon pa. Some part of me wants to believe it. Pero sa tuwing naiisip ko ang nangyari dati, hindi ko kaya.

Napuno ng katanungan ang isip ko pagkatapos 'non. It's bothering me these past few days.

Katulad ng, bakit niya sinabi sa'kin na magpapakasal siya sa iba? Bakit hindi siya sumunod sa Paris kung totoo man ang sinasabi niya na mahal niya ako? At higit sa lahat, bakit nagawa niya 'yung dati?

I've been meaning to ask him. And I know he's hiding something. Ayaw 'nyang sagutin ang tanong ko kung bakit 'sya nagsinungaling dati. And looking at his eyes, alam kong wala 'syang balak sabihin sa akin. It's really frustrating.

Hinawakan ako sa pisngi ni Muffy "Tita Penny, may nagna-knock po."

Napakurap ako. At totoo nga na may kumakatok nang malakas.

"Yoohoo Penoy! Labas na diyan! It's uuus!" sigaw ng isang malakas na boses na kilalang kilala ko. Si Kaoru.

"May doorbell, Babo. Wag kang mag-iskandalo," sabi naman ng isang boses na sa pakiwari ko ay si Alistair.

Agad agad ko namang binuksan 'yon at sumalubong sa akin ang mahigpit na yakap ni Kaoru. "Omg beshie! Gomenasai!"

Tumawa ako. "Bakit ka nagso-sorry sa akin?"

Hinawakan ako ni Kaoru sa magkabilang balikat at inilayo nang bahagya sa kanya. Seryoso niya akong tinitigan. "May sasabihin ako sa'yo. Or rather, may sasabihin sa'yo si Alistair."

I looked at Alistair curiously. Seryoso siyang tumingin sa akin. At sa 'di malamang dahilan, bigla akong kinabahan.

Niyaya ko sila sa salas at ipinaghanda ng tsaa. Kaharap ko si Alistair samantalang si Kaoru, nilalaro si Muffy.

"There's something you should know that happened while you were in Paris," walang paligoy ligoy na sabi ni Alistair.

Lumala ang kabang nararamdaman ko kanina.

-------------------------------------

VAUGHN

I fiddled the diamond ring in my palm. This cold metal is supposed to be in her fingers. Katunayan dapat ito ng pangako kong buhay sa kanya.

When is the right time for us? Will there even be a right time?

I groaned.

I wish I could tell you. Sana kaya kong sabihin nang hindi ka nasasaktan.

Mababalewala ang lahat. It will break her heart. It will make her cry.

'Bakit, hindi pa ba siya nasasaktan sa pagkakataon na ito? Ilang beses na ba siyang umiiyak dahil sa kahinaan mo?' a stubborn voice inside my head whispered.

I scoffed to myself. Yeah right. I hurt her the most. Paano ko naisip na guluhin pa siya? How could I have those selfish thoughts? Simula pa lang, hindi ko na dapat siya inipit sa sitwasyon. Dapat pinalaya ko na lang 'sya. She's safe. Iyon naman ang mahalaga diba? I sacrificed our love for that sole reason. I should have been contented with that.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon