Chapter 6: My Life

10.9K 172 18
                                    

Dedicated to eranians. My room mate / my friend. Hahaha! Writter din siya. Idol ko yung mga plot niya! Astig! XD Pakibasa din yung stories niya kung may time kayo lalo na yung Bachelor's Girls. Kalokohan! :D Pero wag niyo na masyadong pansinin yung isang character dun ha? Please lang! :DDD Click the external link. :)

This chapter is special because........ basahin! :P

Chapter 6: My Life

Penny's POV

"Penny! Bangon na diyan! Male-late ka na!"

Ay garapata! Muntik na akong malaglag sa higaan ko dahil sa lakas ng sigaw ni momma. "Ma, ang aga niyo naman pong sumisigaw," reklamo ko.

"Paano akong hindi sisigaw, eh tanghali na, nakahilata ka pa diyan sa higaan mo!" nakapameywang na sabi niya.

Tinignan ko sa cellphone ko yung oras.

0.0

Oh em! Late na nga ako! 30 minutes na lang, magsisimula na ang klase namin! Hindi pa ako nakakagayak! Dali-dali akong tumayo at pumasok ng kubeta.

15 minutes lang ako gumayak—kasama na ang pagligo at pag-aayos. Hoy, naghilod ako. -.-"Ma, sa school na lang po ako kakain. Baka naghihintay na sa labas si Vaughn," sabi ko sabay kuha nung bag ko. Naku, malilintikan ako sa lalaking yun. Pinaghintay ko na naman siya nang matagal.

"Ay sandali 'nak!" tawag ni momma.

Napahinto ako. "Bakit po?"

"Tumawag si Vince kanina. Eh tulog na tulog ka pa. Hindi ka raw niya masusundo. Hindi raw siya papasok ngayon. May mahalaga raw siyang aasikasuhin."

"Ha!?" bulalas ko. "Ma naman, bakit hindi niyo ako ginising para nakausap ko siya?" >.<

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon