Chapter 29: Just One Month

2.8K 88 11
                                    

Chapter 29: Just One Month



PENNY



Pabagsak akong humiga sa kama. Humugot ako ng malalim na hininga. "Haaaaaay~." Grabe, first night ko pa lang sa pag aalaga kay Vaughn, naubos na ang lakas ko. Para akong nag aalaga ng limang taong gulang na bata. Napaka demanding. Tss. Bakit nga ba nagugulat pa ako? Dati pa pala ganyan 'yan. Napaka-bossy at arogante.


Yung kanina, that was close. Kung hindi ko naitukod ang dalawa kong kamay sa may gilid ng tub, babagsak ako sa kanya. I nearly killed him. Lalo lang ako naging aware kung gaano kaselan itong pinasok ko.


Isang buwan. Ano bang pwedeng mangyari sa isang buwan? Kaya ko bang tagalan 'yon? It's really odd. Here I am again, with the guy who not only once or twice, but hurt me three times. Bakit kaya ganito? Ano bang meron at palagi na lang akong naiinvolve sa lalaking 'yon? Kelan ba matatapos ito? It's like an endless loop. Hindi ako makawala kahit anong gawin ko.


Huminga ulit ako nang malalim. Relax Penny. Isang buwan lang 'yan. Konting tiyaga lang. Right. After this, I will have nothing to do with him.


Nakatulog ako-iniisip pa rin ang libo libong posibilidad na pwedeng mangyari sa isang buwan.




--------



I wrinkled my nose. "Mm..." May kung anong makating bagay na tumatama sa ilong ko. But I can't open my eyes. Antok na antok pa ako.


This time, sa may tainga ko naman dumikit 'yung makating bagay. "Hmmm!" Bumaling ako sa kabila para umiwas. Ibinaon ko sa unan ang mukha ko.


"Tch. Tulog mantika ka pa rin hanggang ngayon," narinig kong sabi ng isang boses.


'Momma, five minutes pa!' daing ko. Pero dahil natatakpan ng unan ang mukha ko, puro "Mmppppphf!" lang ang nasabi ko.


"Hindi ka pa ba talaga babangon diyan?


Mamaya na. Antok pa ako. "Mmpppph!"


Bumuntong hininga siya. "Don't make me wake you up in a different way," babala niya.


Napamulagat ako nang marealize kong hindi si momma ang nagsasalita. Napabangon ako bigla. At doon tumambad sa harapan ko si Vaughn na nakasandal sa pader. Biglang nagising ang diwa ko. Parang nawala lahat ng antok ko sa katawan.


"Morning," nakangising sabi niya.


Natulala ako sa kanya. "V-v-v-vaughn..."Anong ginagawa niya rito?


Hinagod niya ako ng tingin. Tapos napa-face palm siya. "Seriously. Wala pala talagang nagbago sa'yo. Hindi mo man lang ba sinubukang magpa-enhance noong nasa Paris ka?"

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon