Chapter 13: Determined Heart

6.3K 103 24
                                    

Chapter 13: Determined Heart

Penny's POV

"...hate me from now on..." 

Unti-unting nagdi-disappear sa paningin ko si Vaughn habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon. 

Gusto kong umiling. Gusto kong sumigaw ng hindi. Pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin?

Vaughn! 

Vaughn! Please dont say that! Kahit kailan, ikaw lang ang mamahalin ko! I won't hate you ever! 

Vaughn! Pilit kong isinigaw sa isipan ko, pero hindi ko masabi nang malakas. Parang may umiipit sa lalamunan ko. Para akong nakagapos. Bakit ganito? Anong nangyayari? Bakit nawawala si Vaughn? Hindi! Hindi pwede!

Sinidlan ako ng matinding takot. Kahit anong kawala ang gawin ko, hindi ako makawala.

Maya-maya pa, wala na akong ibang makita kung hindi itim.

"V-vaughn....?"

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang isang nakakasilaw na bagay.

"Penny!? Penny anak!?" sabi ng isang pamilyar na tinig sa akin. Si momma. "Doctor! Call the doctor!" sigaw niya sa mga taong nakapaligid.

Inilibot ko ang paningin ko. I am in a very familiar place. White walls, white light, blue curtains, dextrose and hospital bed. So, it was just a dream. Thank goodness.

Binigyan ko ng matamis na ngiti si momma na nasa tabi ko. "M-momma.."  Masaya ako. Masaya ako dahil panaginip lang ang lahat ng 'yon. Grabeng takot ang naramdaman ko doon sa bangungot na 'yon. It felt real.

"Yes baby? I'm here. Oh God, you made me so worried," sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.

Lahat ng mahal ko sa buhay nandito—halatang nag-aalala sa akin. Si dad, sina kuya, Kaoru at sina Skye. Pero may isang nawawala. 

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon