Chapter 34: Frustrations and Comfort

2.9K 98 14
                                    

Chapter 34: Frustrations and Comfort


PENNY


Mabilis na lumipas ang isang buong linggo simula nang mangyari 'yung insidente kay Kurt. He has never contacted me after that. 'Nung tinanong ko kay Natalie kung anong nangyari kay Kurt, hindi niya rin daw alam. I really feel sorry for him. I know I have to apologize to him eventually, kasabay na rin ng resignation ko. I don't think I deserve to be in his company anymore. Hahanap na lang ako ng bago dito sa Pinas pagkatapos kong alagaan si Vaughn. Meron na namang nago-offer sa akin na ibang kumpanya doon sa Paris, pero mas gusto kong mag-stay na lang dito para hindi na ako malayo sa pamilya ko.

Isang linggo na rin ang nakakalipas pagkatapos noong gabing niyakap ako nang mahigpit ni Vaughn. Pero kahit minsan, hindi na 'yon naalis sa isip ko. Napabuntong hininga ako at napatigil sa paghahalo ng soup.

Naramdaman kong may dalawang bisig ang pumalupot sa bewang ko. "That smells nice. What are you cooking?" I felt his hot breath in my cheeks. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

Katulad ng inaasahan, kumislot na naman ang puso ko. May nagbago rin sa relasyon naming dalawang simula ng gabing iyon. He became sweeter. May mga oras na bigla na lang niya akong yayakapin, hahalikan sa pisngi o kaya aakbayan.

"Oh, it's European onion soup," I answered nonchalantly.

Ako naman, pinababayaan ko lang siya na gawin sa akin ang mga ganitong bagay. I feel conflicting emotions whenever I think how I have fallen for him again. Oo, nagpakatanga na naman ako sa kanya. Para akong walang kadala dala. At tuwing naiisip ko na malapit nang matapos ang mga ganitong pagkakataon, ayaw ko man, nakakaramdam ako ng matinding panlulumo. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader para matauhan ako. I hate this feeling. I hate myself for feeling this way. Pero ayaw sumunod ng katawan ko. I just let him do whatever he wants with me. At katangahan man, I feel absurdly happy. Tsaka ko na lang pagsisisihan lahat nang ito kapag tapos na ang responsibilidad ko sa kanya.

Vaughn peered in my face. "Hey, are you okay? You look pale."

Ngumiti ako at itinuloy ang paghahalo. "I'm fine. Matatapos na ito."

He clicked his tounge. "That looks good. Saan mo natutuhan 'yan?"

"Sa kaibigan kong chef sa Paris. Ibinigay niya sa akin ang recipe nito dahil nagustuhan ko noong minsang kumain ako sa restaurant niya."

Natahimik sandali si Vaughn.

Maya maya, humigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko. "Is this chef a guy?"

I chuckled. "Ano naman kung lalaki siya?" amuse na tanong ko.

"So, he is a guy," may himig na pagkayamot na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Para talaga siyang bata minsan. "Hay naku, iready mo na nga lang ang mga plato kesa kung anu anong itinatanong mo. Matatapos na ako rito."

He sighed. "Yes ma'am." Pagkatapos, binitawan niya ako at pumunta sa may dining table.

Ilang minuto lang, sumunod na rin ako sa kanya dala ang mga iniluto ko.

Napatingin ako sa kanya. He's still pouting habang nakatingin sa soup. "Vaughn?" amuse na tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "What?" kunot noong tanong niya.

Umiling ako. "Kainin mo na 'yan bago lumamig. Mas masarap 'yan kapag bagong luto."

He frowned. "Tch, siguro sabay niyo pa itong iniluto sa kusina niya. O kaya sa kusina ng tinutuluyan mo. Maybe sometimes you're alone with him," he grumbled.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon