(Fool) Special Chapter 12: Jealousy

8.1K 110 22
                                    

Nakita niyo na yung profile bg ko? Ang goooooondooooo diba!? Courtesy of Marienel a.k.a eranians 'yon. Thank you Nel! You made my day. Ang galing mooooo! Ang pogi ni Skye ha. Napaghahalata ka XDDD. Wahahaha. Congrats sa Bachelor's Girls na tapos na! Kyaaaaaah! Excited nako sa season 2 *___*.

Fool

Special Chapter 12: Jealousy

Kaoru's POV

GIANT greeting card, check!

Clorful pens, check!

Natsume's picture, check!

Pambili ng cake, check!

My smile, BIG check!

Inireready ko na ang lahat bago pumasok ng school. I want everything to be perfect in this special day. Kasi....kasi....kasi....oh my gash!....kasi..

.....BIRTHDAY NI NATSUME! Kyaaaaah! My most awaited day of the year! @.@

Sinugrado kong naka-ready na ang lahat bago pumasok ng school. I want this day to be perfect.

Maxwell University..

I greeted everyone with a warm smile. Lahat ng nakakasalubong ko, may isang matamis na ngiti at good morning sa akin. Dapat lahat ng tao sa paligid, mahawaan ng good vibes ko ngayong araw.

Pagdating ko sa room, si Penny kaagad ang nakita ko. Just the first person I wanted to see this day. Palagi siyang una sa listahan ko na magmemessage dito sa greeting card. Tumakbo ako papunta sa kanya.  "PENNY~!"



"Oh!? Ano yan!?" nagtatakang tanong niya nang makita niya yung greeting card.

Napasimangot ako. "Ewan ko sa'yo Penny. Nakakatampo ka," sabi ko bago tumalikod sa kanya at padabog na nag-walk out.  Grabe naman! Bakit nakalimutan niya!? Alam kong busy siya sa preparations niya sa kasal, pero yearly namin 'to isine-celebrate para makalimutan niya nang ganun. Tsaka siya palagi ang unang-unang bumabati kapag birthday ni Nasume. Ikakasal lang siya, nakalimutan na niya!? Nakakatampo talaga. >.<

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon