Chapter 23

45 2 0
                                    

Kurt's POV:

*cafeteria

"Asan na ba si Natasha? parang antagal naman ata niyang mag-cr?" pagaalala ni Fionah.

"Naglabas ata ng sama nang loob eh hahaha." pangaasar naman ni Kristopher.

"Mabuti pa, i-check ko nalang ulit, mauna na kayong kumain." sabi ko sa kanila at bumalik ulit sa gym.

Ano na kayang nangyari dun? kanina pa kasi namin siya inaantay eh di naman namin siya macontact.

"NATASHA??! NATASHA!!? NATASHA!!?" sigaw ko nang makarating ako sa gym. Pero walang nagre- response.

Di kaya nasa CR parin siya? Pero bat antagal naman ata niya dun kung sakali? Habang papalapit ako sa CR ng mga babae, may naririnig akong nagtatawanan at babaeng umiiyak.

"K-Kurt???" gulat na sabi nung dalawang babaeng nasa harap ng pinto ng CR ng mga girls.

"Yan you look so perfect, mas bago sayo yang itsura mo ngayon, alam mo papasikatin kita." rinig kong sabi ng isang familiar na boses sa loob si Celine ba yun.

"ANONG MERON DIYAN SA LOOB??!" Sigaw ko sa dalawa.

"W-wala!!!" alibi nila.

"T-TULONG! Tulong!!!" si Natasha yun ha? pagkarinig ko  nun automatic kong naitulak yung dalawang babae na nakaharang sa pinto at sinira ang pinto para mabuksan ito.

"WHAT ARE YOU DOING TO HER?! HOW DARE YOU CELINE!?" sigaw ko ng makita si Celine na pinipicturan si Natasha.

"A-aray n-nasasaktan ako KURT!!!" Pagrereklamo niya ng hawakan ko siya sa braso ng mahigpit. Pero di ko lang siya pinakinggan at hinagis yung phone niya kung saan. "KURT ANO BA?!!"

"ANONG GINAWA MO SA KANYA!!?" Sigaw ko sa kanya na siyang ikinagulat niya.

"Bat mo ba pinagtatanggol yan ha? don't tell me nagbago na ang taste mo sa babae? na siya ang ipapalit mo sa akin?" naiinis na maluha-luha niyang sabi.

"Wala kang karapatang saktan siya dahil GIRLFRIEND KO NA SIYA at OO SIYA NA ANG IPINALIT KO SAYO AND I'M PROUD OF IT." pagkasabi ko nun nagulat silang lahat pati narin si Natasha.

Lumapit ako kay Natasha at tinulak yung mga babaeng nakahawak sa kanya. "Uulitin ko girlfriend ko na siya." sabay yakap ko kay Natasha.

"Sa susunod na may gawin ka pang masama kay Natasha, hindi ako magdadalawang isip na bigyan ka ng red card pati mga alipores mo." panduduro ko sa kanya.

"I HATE YOU!!! ARGGHH!!!" Sabi niya habang pinapalo ako sa likod dahil hinarang ko ang sarili ko baka matamaan niya si Natasha. "PAGSISISIHAN MO ITO!!! PWE! KADIRI KAYO!" Dagdag niya pagkatapos nun lumabas na siya kasama mga alipores niya.

"Wag ka ng umiyak, di ka na nila guguluhin pa sa susunod." pansusuyo ko kay Natasha habang pinupunasan ang luha niya at labi niyang may lipstick gamit ang panyo ko.

"T-thank you K-kurt."

"Wala yun, tara na magpalit ka nalang muna ng PE uniform." sabi ko habang sinusuot sa kanya yung jacket ko. "Hindi na uuwi nalang ako, wala na ako sa mood magklase." saad niya.

"Oh sige kung yan ang gusto mo, ihahatid nalang kita sa condo niyo." pagpiprisinta ko. "Hindi na kaya ko na ang sarili ko." pagtatanggi niya.

"No! Ihahatid na kita alangan namang magko-commute ka? eh nakisakay kalang kila Princess diba?"

"Oh sige na nga para naman makabawi ka sakin matapos niyo gamitin ang kotse ko last week." pagbibiro niya.

Mas bagay pala niyang walang salamin lalo na't nakangiti siya ngayon mas gumanda siyang tignan, anong nangyayari sakin? feeling ko nagme-melt yung puso ko sa ngiti niya ngayon.

"Huy! baka matunaw ako Kurt." natatawa niyang sabi. "Tara na nga." pagaaaya at naglakad na nga kami papuntang parking lot.

"Nga pala Kurt please wag mo nalang sasabihin sa kanila lalo na kay Princess about sa nangyari kanina, ayoko na kasing mapaaway si Princess."

"Sige makakaasa, pero kailangan mo silang tawagan para hindi ka na nila antayin mamaya pauwi."

"Sige pag nakarating tayo sa parking lot." saad niya.

Ngayon ko lang napansin yung nangyari sa uniform ni Natasha, THE HECK!!! di ko maiwasang mapalunok dahil sa iksi ng palda at damit niya. ang sexy niya pala.

"May sinasabi ka Kurt?" tanong niya nung napabulong ako. "A-ah w-wala, oh yan ip-patong mo diyan sa l-legs mo." nahihiya kong sabi sabay abot sa kanya ng panyo ko.

Halatang nagulat naman siya pagtingin sa palda niya na mas lalong umigsi ng naupo siya, agad naman niya yung tinakpan gamit ang panyo ko. Aissh ang awkward.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now