Chapter 26

42 2 0
                                    

Kurt's POV:

"Hatid ko na kayo ni Kiefer pababa." pagprisinta ni Natasha pagkatapos naming kumain.

"Ahmm ayoko muna kasing umuwi, p-pwede bang maglakad-lakad na muna tayo?" pagaaya ko sa kanya.

"O-okay lang naman kaso paano si Athena?" pagaalala niya.

"Okay lang ako rito wag muna akong alalahanin." saad ni Athena. "Oo nga don't worry Natasha babantayan ko muna siya." sabat naman ni Kiefer.

Kaya pumayag rin Natasha na maglibot dito sa Building ng condominium.

"Gusto kong makita yung roof top pwede ba?" pagaaya ko habang naglalakad kami sa corridor.

"Oo naman pwede, may garden dun at relaxing ang lugar, sa baba naman nun may arcade and food stole ng iba't-ibang Asian street food." excited na sabi niya kaya sumakay na kami ng elevator papunta dun.

"Since busog pa naman tayo, pwedeng sa rooftop muna tayo pumunta para magrelax?" sabi ko at nagnod naman siya bilang sagot.

*rooftop*

"Wow ang ganda naman dito, mahangin at relaxing na lugar." -ako

"I told you hahaha, tara upo muna tayo dun." saad niya habang tinuturo yung playground dito sa rooftop.

Pagkaupo namin medyo tahimik lang kaming dalawa habang nilalasap ang simoy ng hangin, di narin kasi masyadong mainit dahil sa makulimlim ang langit.

"Sorry pala kanina." pambabasag ko sa tahimik na  atmosphere na namagitan samin. "Saan naman" nagtatakang tanong niya.

"Dahil sa akin napagtripan ka nila Celine." nakayuko kong sabi. "Okay lang yun, ang importante dumating ka, bago nila gawing viral yung itsura ko kanina, salamat Kurt." saad niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Ex mo pala si Celine?" tanong niya at tumingin sa malayo. "A-ah actually di naman talaga naging official na kami, kumbaga naging fling ko lang siya nung second year, after nun naga-assume parin siya na kami parin hanggang ngayon, eh never naman naging kami hahaha."

"Yan tayo, eh bat ganyan kayong mga lalaki? matapos niyong pagsawaan iiwan niyo nalang bigla." hugot niyang sabi.

"Oy noon yun no! hindi na ngayon good boy na ako simula nung.." pagpuputol ko sa sinabi ko. "Simula nung?" nagtatakang tanong niya.

"Simula nung makilala kita." sabi ko at nagwink. "Sira, wag ako! Kurt." tugon niya na natatawa.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" curios na tanong ko sa kanya. Napatigil lang siya sa pagduyan nung marinig ang tanong ko. "May problema ba?" tanong ko nung nagiba ang awra niya.

"M-meron na." tugon niya at napayuko siya pagkasabi niya nun. Habang tinitignan ko siyang nakayuko at nagaabang sa susunod pa niyang sasabihin. Nagulat nalang ako ng may biglang pumatak na luha sa pisnge niya.

"M-may p-problema ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya. Di pa siguro siya nakakamove on sa ex niya kaya siya ganya. "S-sorry w-wag ka ng umiyak." dagdag ko habang pina-path ang likod niya para icomfort siya.

"O-okay lang k-kahit wag mo nang sagutin ang tanong ko, kalimutan mo nalang." pagkasabi ko nun, inangat na niya ang ulo niya at nakita ko nalang nanggigil na siya dahil napapahigpit na ang kapit niya sa hawakan ng duyan.

"H-he w-was a j-jerk and a p-pervert! H-he tried to s-steal my v-virginity." nagulat ako sa sinabi niya, pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang yun humagulgol na siya sa pagiyak.00

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now