Chapter 12

59 4 0
                                    

Princess's POV:

"Kaya mo na ba?" Tanong ko kay Athena , nandito kasi kami sa clinic ngayon para sunduin siya tapos na kasi ang klase.

"I think so." Sagot niya, kaya tumayo naman siya at sinubukang maglakad. "A-aray!" Akmang matutumba na sana siya ng bigla siyang saluhin ni Kiefer.

"See! Di mo pa kaya." Sabi naman ni Kiefer sa kanya. "Mabuti pa siguro dalhin niyo na siya sa hospital para ma-xray kung may bali ba o ano na sa paa niya." Rekomenda naman ng nurse samin.

"Sige po dadalhin na namin siya dun, thank you nurse." Sagot naman ni Natasha sa Nurse. "Pahiram nalang po kami ng wheel chair para madala po namin siya sa parking lot, di kasi namin kakayaning buhatin yan." Saad naman ni Fionah.

"Ay sorry, di pa kasi napapalitan yung wheel chair na nasira." Sagot naman nung nurse. "Tss anong klaseng school to?" Naasar ko namang sabi.

"School to ng mga magaganda at gwapong tulad natin." Pangaasar naman ni Kiefer. "Nakakatawa! Kiefer grabe!" Sarcastic kong sagot sa kaniya. "Joke lang! Masyado kang seryoso, ako na magbubuhat kay Athena tutal naman ako ang nagdala sa kaniya rito." Pagprisinta niya.

"Aba! Buti naisip mo yan, mabuti pa nga siguro na  ikaw ang kumargo sa kakulangan ng school niyong pipityugin." Naasar kong sabi sa kaniya. "Princess tama na! Ano ba!" Pagsuway naman sakin ni Natasha.

"Grabe ka naman!" -Kiefer

"Bakit? Mali ba ako?" Pabalang na sabi ko sa kaniya.

"Tama na nga yan! Tumahimik ka na Princess!" Saad ni Fionah kaya tumahimik na ako at nauna ng lumabas ng room, bago pa ako sumabog dito.
___________________________

Natasha's POV:

Papunta na kami ngayon sa parking lot habang pinigy back ni Kiefer si Athena.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now