Chapter 22

53 3 0
                                    

Natasha's POV:

"Next!" sigaw ni ma'am, kami na ang susunod ni Kurt.

"tara na?!" kaya naglakad na kami papuntang stage, habang paakyat kami mas lalo akong kinakabahan to the point na nangangatog na ako at nanghihina.

Nagulat nalang ako ng bigla ulit akong hinawakan ni Kurt sa kamay at nag mouth ng you can do it. Nginitian ko lang siya at pinakalma ang sarili.

Autor's Note:

Please click the video, para di ko na po i-elaborate yung mangyayari sa stage just assume nalang po na si Jin and Jennie yung kumakanta hahaha.

Title of song: The Start of Something New of High School Musical.

Nung nagsimula ng kumanta si Kurt panay tingin niya lang sakin na halatang natatakot na baka di ako kumanta o masintunado ako.

"That anything can happen when you take a chance." oh em gee ako na ang susunod. Akmang aalis na sana si Kurt ng bigla akong kumanta.

"I never believe in what i couldn't see, i never open my heart to all the possibilities." humarap ulit si Kurt at nginitian ako ng kumanta ako.

Dahil dun unti-unting nawawala yung kaba ko.

"This could be the start of something new, it feels so right to be here with you..oh and now.. lookin' in your eyes I feel in my heart.. feel in my heart the start of something new."  this time sabay na kaming kumakanta.

Nakita kong parami ng parami ang mga studyante dito sa gym, sila Princess, Fionah at Kristopher naghiyawan kaya nakisali narin yung ibang studyante habang nagsipalakpakan.

"Congratulations class, you did a good job! Yung iba sa iniyo may tinatago palang talento, so please clap for your job well done and cooperation to our practicum." Proud na sabi sa amin ni ma'am ng matapos makapag perform ang lahat.

"Now! Its time to announce the duo who got the highest grade in our practicum." Waaah heto na! "Congratulations Kurt and Natasha." Dagdag ni ma'am.

Pagkasabi ni ma'am nun nagsipalakpakan yung mga tao rito sa gym at napayakap nalang ako kay Kurt sa sobrang saya.

"Aheeem!!" paninira ng moment ni Princess sa amin. Kaya agad naman akong napakalas sa yakap. "May tinatago ka palang talento Natasha." Puri naman sakin ni Kristopher. "Sali ka na sa glee club." dagdag nito pero tumawa lang ako bilang tugon.

"Sabi ko naman sayo diba na you can do it." Nakangiting sabi naman sakin ni Kurt "Thank you Kurt sa pagpapalakas ng loob ko." tugon ko.

"Oh siya tama na nga yan, tara na't kumain dahil nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan." pagrereklamo naman ni Fiona.

"Oh sige mauna na muna kayo sa cafeteria, magsi-cr lang ako saglit." Pagpapaalam ko at naglakad na papuntang comfort room.

*comfort room*

"Finally you're here." mataray na sabi sakin ni Celine classmate ko. "Close the door girls." utos nito sa mga alipores niya.

"Ayoko ng gulo Celine." Saad ko at lalabas na sana ako ng biglang. "Aray! ano ba Celine nasasaktan ako!" pagrereklamo ko dahil ngayon sinasabunatan na niya ako.

"Talagang masasaktan ka! Ang landi mo! Ang lakas mong maka- Maria Clarang damit diyan eh may lihim na landi ka rin palang itinatago!" naasar na sabi sakin ni Celine habang nakasabunot parin sakin.

"T-tama na! N-nasasaktan ako Celine!" Naiiyak kong sabi sa kanya, pero di niya ako pinakinggan at tinulak lang ako palapit sa mga alipores niya.

"HOLD HER!!!" Sigaw niya, muntik na akong natisod dahil sa pagkatulak niya. "Bitawan niyo nga ako! Ano bang gagawin mo?" Pagpupumiglas ko sa dalawang nakahawak sakin.

"Akin na yung gunting." utos ni Celine sa isa pa niyang alipores na agad naman itong binigay sa kanya.

"A-anong b-binabalak mo?" maiyak-iyak kong tanong.

"Alam mo hindi bagay sayo yung mahabang uniform eh, kasi malandi ka! alam mo ba yun?! MALANDI KA!!! kaya ibabagay ko sayo yang suot mo." Natatakot ako sa binabalak niyang gawin.

"BITAWAN NIYO AKO!!!" Pagpupumiglas ko ulit. "S-STOP C-CELINE A-ANO BA!!?" Pagmamakaawa ko habang ginugunting yung uniform ko.

"Why should I stop? Bagay nga sayo ito eh dahil malandi ka." Yung pantaas na damit ko naging crop top at yung mahabang palda ko naman naging maikli na to the point na nakikita na yung legs ko.

"Yan! you look so perfect para ma-kompleto na ang pagiging slut mo." tinanggal ni Celine yung salamin ko at hinagis kung saan. "TULONG!!!" sigaw ko ulit habang umiiyak na.

"Where's the red lipstick?" Pagkaabot ng alipores niya yung lipstick agad niya akong nilagyan pero nagpupumiglas ako.

"T-TAMA NA!!!!" Pagmamakaawa ko ulit pero di niya ako pinakinggan.

"Yan you look so perfect! mas bagay sayo yang itsura mo ngayon, alam mo papasikatin kita." pagkasabi nun ni Celine agad niya akong pinicturan. "Gagawin ko itong viral." Dagdag niya habang tumatawa pati mga alipores niya nagsitawanan narin.

"T-TULONG! *sob* tulong!" Sigaw ko ulit, nahihiya na ako sa itsura ko ngayon feeling ko bumalik sa dati ang lahat. *sob*

*boggsssshhhh* (a/n: kunwari sound effect ng nasirang pinto hahaha)

"WHAT ARE YOU DOING TO HER?!!! HOW DARE YOU CELINE!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses, dahil dun napatigil sila sa pagtawa.

"T-thank y-you kung s-sino ka man."

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now