Chapter 18

50 3 0
                                    

Princess' POV:

"Sunduin nalang kita bukas, ako na muna ang hahawak nitong kotse mo." Sabi ni Kurt kay Natasha ng makababa ito sa kotse.

Nandito ako ngayon sa ground floor sa labas. I knew it already kaya inabangan ko na talaga si Natasha para makita ng dalawa kong mata na tama ang hinala ko.

"P-Princess? A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sakin ng makita niya akong nakasandal sa pader.

"Why? Bat ka nagsinungaling HA!?" Napalakas ata ako ng boses kaya nagsitinginan samin yung mga tao.

"Let's talk this in our unit wag dito" saad niya at nauna na siyang naglakad papunta sa unit namin.

*unit*

"Go a head, explain your side!" Naasar na sabi ko sa kanya.

"Hey Prince? Why are you mad to Natasha? What's the matter huh!?" Naguguluhang tanong naman ni Fionah.

"Because she lied to us! Every time na sinasabi niyang di siya sasabay sa atin pagpasok at paguwi yung mga oras na yun kasama niya ang K4!" Pagpapaliwanag ko

"ANO!?" gulat na tanong ng dalawa.

"Bat mo naman ginawa yun?" Tanong ni Athena.

"K-kasi ayoko nang madamay kayo sa gulo na mangyayari kung sakali man." Sabi ni Natasha.

"Anong gulo? Bakit napa-trouble ka na naman ba? Ha?!" Nagaalala kong sabi.

"Hindi naman sa ganon, ako kasi yung pinili ni Kurt na makapartner niya sa practicum namin sa MAPEH ng dahil dun yung mga classmate naming girls nainis sakin na para bang pinapatay na ako sa mga tingin nila nun, kaya nagprisinta si Kurt na isabay ako pauwi at papunta sa school para di ako awayin o abangan ng mga baliw sa kanyang babae at ayaw ko rin naman na madamay pa kayo kung sakali, kaya yun pumayag ako sa gusto niya." Pagpapaliwanag niya.

"Eh bat ba kasi pumayag ka nun na ikaw makapartner niya?" Saad naman ni Fionah.

"Wala naman na akong magagawa nun kasi walang may gusto sakin na makapartner ako, chu- choosy pa ba ako? Eh grade ko nakasalalay dun, ayaw naman daw ni Kurt sa ibang girls kasi daw mga pabebe kaya ako pinili niya." Sagot naman ni Natasha.

"Pero inaaway ka ba ng K4 ha?" Tanong ko.

"Hindi naman, nagtatalo kami pero di naman nila ako binubully kaya don't worry guys I'm safe with them, and sorry because I lied to guys I promise di na mauulit yun." -Natasha

"Okay apology accepted basta wag mo ng uulitin yun ha?" -Fionah

"Kaya nga, what are friends for kung nagsisinungalingan naman tayo sa isa't-isa." -Athena

"Wow big word!" Pangaasar ko naman kay Athena at nagtawanan naman yung dalawa si Athena ayun inirapan lang ako.

"Pero Natasha bakit kotse mo ang ginagamit niyo? Asan yung sa kanila?" Naguguluhang tanong ni Fionah.

"Ewan ko nga rin eh, Inaayos ata yung mga four wheels nila kaya yun." Tss inaayos nga ba talaga?

"Nga pala, Athena? Kamusta ka naman rito kanina? Pumunta ba dito si yaya Flor? Para alagaan ka?" Tanong ko kay Athena.

"A-ah? H-hindi hehe kaya ko naman magisa ih." Nakangiti niyang sabi na parang kinikilig na ewan.

"Eh bat ganyan ngiti mo? Siguro nagdala ka ng lalaki dito no!?" Pangaasar sa kanya ni Natasha.

"H-hindi ah! K-kaya ko lang talagang magisa!" Nauutal na sagot niya.

"Talaga ba!?" Pangti- tease naming tatlo kay Athena.

"Oo nga! Kulit!" Pikon na sabi ni Athena.

Feeling ko may something talaga sa babaitang ito eh hmm ano kaya yun?

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now