Chapter 7: Uniform

86 4 1
                                    

Fionah's POV:

Pinapa-required na kaming mga studyante na maguniform starting today T__T.

"Oh Prince mali ata nasuot mong uniform." Pangaasar ko sa kaniya nang makalabas siya sa kwarto niya. Paano ba naman kasi hindi bagay sa kanyang magpalda dahil sa kilos at gupit lalaki siya hahaha.

By the way andito na pala ako sa sala, inaantay magbihis yung dalawa ko pang kaibihan since lumabas narin si Prince.

"Che! Tignan mo nga yang uniform mo! Para ka nang suman sa sobrang sikip ng suot mo." Pangbawi niya sa akin, well mas natatawa parin ako sa itsura niya ngayon hahaha.

Nang makalabas si Natasha sa kwarto niya, eye to eye contact kami ni Princess sabay tingin kay Natasha't tumawa ng malakas.

"Oh! Natasha sigurado kabang sa school punta mo? O baka sa kumbento ng mga madre?" Nagtawanan ulit kami ni Princess, paano ba naman kasi eh yung palda niya naka below the knee; dapat yun naka above the knee. Hayys nagmukha tuloy siyang manang lalo hahaha.

Sinamaan lang niya kami ng tingin ni Natasha at nagwalkout.

"Lagot ka diyan!" Sabi ni Princess.

"Bakit ako lang ba may kasalanan, ikaw din naman kung makatawa wagas." Inis na sabi ko kay Princess.

"Athena!! Antagal mo naman! Malelate na tayo!" Sigaw ni Princess sa labas ng kwarto ni Athena.

"Heto na lalabas na!" Sagot naman ni Athena. After nun nagbukas ang pinto ni Athena at lumabas siya.

Napatingin naman kami ni Princess sa kanya, at napa-wow kasi sa ganda ni Athena, pero pagtingin namin ni Princess sa mga hita at binti niya nag eye to eye contact ulit kami nito at napatawa ng malakas.

"WAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa namin ni Princess.

"Problema niyong dalawa?" Inis na tanong ni Athena. Pero di namin siya pinansin at nagpatuloy sa kakatawa. "Bahala na nga kayo jan! Mga baliw." Pagkasabi niyang yun lumabas na siya ng unit. Paano ba naman kasi si Athena oo mapapawow ka sa ganda niya, pero pagdating sa mga binti at hita nito andaming coins, siguro sa dami ng coins niya makakabili na siya ng isang branded na damit wahahahaha.

Well wag na kayong magtaka, dahil kahit kami ding magbabarkada nagaasaran at nagkakapikunan din kami. Pero kapag iba na ang nangasar samin double kill na yun feeling namin. Kahit kayo din naman diba? Pag kaibigan niyo ang nangasar sa iniyo okay lang pero pagibang tao na, ibang usapan na yun haha.

"Tara na nga sa baba! Baka iniwan na tayo ng mga yun!" Pagaaya sakin ni Princess na sinunod ko naman.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now