Chapter 4: The Red Card

106 5 0
                                    

Princess's POV:

Andito ako ngayon sa locker room para kunin yung mga books. Pagbukas na pagbukas ko ng locker ko. May bumungad saking black na rose at isang red card? Ano to? Pag tingin ko sa paligid ko halatang natakot sila sa natanggap ko at nagmadaling lumabas ng locker room. Agad ko namang kinuha yung card at binasa yung nakasulat sa roon.

"Congrats, you're the next playtime?" After ng sentence may bungong nakadrawing ano to at paraasaan ito? Tanong ko sa sarili. Well di ako natatakot tss. Agad kong pinunit yung papel at tinapon kasama nung black rose.

Palabas na sana ako ng locker room ng biglang nagsara yung pinto at namatay yung mga ilaw. Shocks!

"KUNG SINO KA MANG NANJAN! WALA AKONG BALAK MAKIPAGLARO SAYO! AKALA MO NATATAKOT AKO HA!" Pagkasabi ko nun biglang kumalampag yung locker sa dulo. Sh*t naman ano to? Nasa taping ba ako ng horror movie?

"HOY! LUMABAS KA NGA DIYAN! LUMABAN KA NG HARAPAN HUWAG YUNG GANTO! WELL FYI HINDI AKO NATATAKOT! NAGAAKSAYA LANG KAYO NG ORAS!" sigaw ko ulit, tss akala nila madadala nila ako sa paganiyan-ganiyan! Sino ba may pakana nito?? Tss lagot kang hayop ka kung sino ka man.

Lumapit ako sa pinto at pilit itong binubuksan. "MAY TAO BA DIYAN??? KUYA JANITOR ANJAN KA BA?? HEY !!! HELP ME!! NAKULONG AKO DITO!!" Sigaw ko habang pinapalo yung pinto.

Fionah's POV:

Asan na ba si Princess? Magbebreak time na wala parin siya? Eh sabi niya may kukunin lang siya sa locker room, bat hanggang ngayon wala pa siya? Imposible namang mag AWOL yun tss.

*ring~

Break time na pala, ito yung favorite subject ko mwehehehe.

"Asan na ba si Princess." Tanong sakin ni Athena.

"Aba malay ko! Tara na nga hanapin natin siya." Pagkalabas namin ng pinto, andun na pala si Natasha naghihintay samin.

"Oh? Bat kayong dalawa lang?" Tanong samin ni Natasha.

"Di nga namin alam eh kanina pa siya nagpaalam na may kukunin lang daw siya saglit sa locker room, pero hanggang ngayon wala parin siya eh di naman niya dala yung phone niya para matawagan sana."

"Tara hanapin na muna natin." Sabi ni Natasha. Habang naglalakad kami may nakita kaming mga studyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board. Kaya lumapit din kami dun para tignan kung anong ganap dun.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now