Chapter 13: The Revelation of Plan B

69 3 0
                                    

Kurt's POV:

"Buti naman Kurt at naisip mo ang bagay na yun." Natatawang sabi sakin ni Kristian dahil hindi na kami magko-commute ngayon kasi nga kay Natasha na muna kami sasabay pagpasok at paguwi galing school dahil sa kasamaang palad hanggang ngayon di parin binabalik nila mommy yung susi ng mga kotse namin -__-

"Syempre ako pa ba? Matalino ata ito!" Pagmamayabang ko naman sa kanila hahaha. "Wow lumamig tuloy ang paligid." Pangaasar naman sakin ni Kiefer.

Nandito na kami ngayon sa unit naming apat, biruin niyo yun, pagkahatid samin ni Natasha nalaman naming magkaharap lang pala kami ng building ng condominium nung mga four nobody's na yun.

"One week na ang nakakalipas ha? Kailan niyo sisimulan ang mga plano? Akala ko ba matitinik kayo sa mga babae?" Pangaasar samin ni Kristian.

"Wow! Nakapagsalita ang isa diyan eh kung ligawan mo kaya yung tibo na yun! Diba matinik ka rin sa babae? *smirk*" sarcastic na sabi naman sa kanya ni Kiefer.

"Di naman kasi basta basta yung plano eh, syempre step by step muna! Makipagkaibigan or magpagood shot na muna tayo sa kanila bago gumawa ng moves, dahil we all know naman na mga dalagang pilipina yung four nobody's na yun." Pagpapaliwanag naman ni Kristopher.

"Tama si Kris, ganun ang ginagawa namin! Andaya mo kasi kami lang ang gagawa sa plan B." Sabay bato ko ng unan kay Kristian.

"Well, alam niyo namang di kakayanin ng kapogian ko yung tibo na yun and I admit that! At isa pa imposible yun! Kung liligawan ko siya tss, baka kahit mag end of the world na eh di parin magiging straight ung tibo na yun!" Saad naman ni Kristian, well may point siya kahit sino naman siguro ang nasa posisyon ni Kristian di kakayanin ng kapogian namin para lang mapasagot yung tibo na yun hahaha.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now