Chapter 19

43 3 0
                                    

Kurt's POV:

*ding dong*

Si Natasha na siguro yung nagdo-door bell, magpapractice kasi kami ngayon para sa practicum. Napagdesisyunan namin na dito na sa unit namin magpractice since kumpleto kami sa gamit about sa music.

"Come in." Bungad ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Agad naman siyang pumasok at nilibot ang paningin sa buong unit.

"Nga pala, asan mga kaibigan mo?" Tanong niya.

"Umuwi sa mga bahay nila." Sabi ko. Pero ang totoo niyan pinaalis ko talaga sila hahaha.

*flashback*

"Bukas umalis kayo ng maaga sa unit ha? Pupunta kasi rito si Natasha para masolo ko siya." With evil smile kong sabi sa kanila.

"Ano!? Bat naman siya pupunta rito?" Gulat na tanong naman ni Kiefer.

"Wait wait wait! Nagiging agrisibo ka na Kurt ha? Ang usapan lang natin papaibigin lang sila! Hindi yung kukunin ang virginity!" Natatawang sabi naman ni Kristian sakin.

"Ibang klase ka bro! Hahaha." Pang aasar naman ni Kristopher.

"Mga sira ulo! Mga grin minded tss! Magpapractice kami rito bukas para sa practicum namin sa Monday! Kaya ko kayo pinapaalis kasi ayoko ng may istorbo samin at para magpa good shot narin sa kanya." Pagpapaliwanag ko naman sa kanila.

"O sige susuportahan ka namin diyan, pero wag mo paring kakalimutang maglagay nito sa wallet mo, you know incase lang BWAHAHAHA." muntangang sabi ni Kristopher sakin sabay abot ng condom -__-

*end of flashback*

Mga sira talagang mga kaibigan ko, over my dead body di ko ibibigay virginity ko sa katulad ni Natasha =__=. Oo virgin pa ako kaya sssshhh lang kayo diyan tss.

"Kumain ka na? Maupo ka muna diyan ipagluluto kita." Sabi ko sa kanya at naupo naman.

"Weh? Marunong kang magluto?" Pangaasar niya sakin.

"Oo ako pa ba? Watch and learn!" Sabi ko sa kanya sabay kindat. Kaya yun inumpisahan ko ng magluto ng carbonara alam kong paborito niya yun kaya yun amg lulutuin ko para sa kanya, tss pasalamat siya dahil siya palang ang kauna-unahang babae na ipagluluto ko =__=.

Habang naghihiwa ako ng mga ingredients bigla kong nahihaw yung daliri ko.

"Aray!" Daing ko, kaya agad naman siyang lumapit sakin at hinugusan yung nahiwa kong daliri after nun hinipan niya ito.

"Magiingat ka kasi, asan ba yung first aid kit niyo?" Nagaalala niyang tanong sakin kaya tinuro ko kung nasaan yun.

Pagkakuha niya nun agad naman niyang nilagyan ng alcohol ang sugat.

"Aray naman ang hapdi!" Pagrereklamo ko.

"Mas mabuti na ang alcohol para malinisan yang sugat mo, para di ka narin matetano." Pagpapaliwanag niya, hinipan niya ulit yung sugat ko kaya unti-unti namang naibsan ang sakit.

Sa ginagawa niya, parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko aish! Ano ba ito? Nang matuyo yung sugat nilagyan niya na ng bindeigh ito.

"Wag ka ng magluto, busog pa naman ako eh." Sabi niya.

"Nope! Walang makakapigil sakin magluluto parin ako, kaya maupo ka na ulit diyan, and t-thank you for this." Sabay pakita ko nung daliri kong nahiwa.

"Wala yun, ano ka ba!" Sagot niya ng nakangiti.

Pinagpatuloy ko parin ang pagluluto habang siya nanonood lang sakin habang nakangiti. Di ko maiwasang mapatingin at mapangiti sa kanya.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now