Love Affair no. 36

85K 1.5K 151
                                    

"Good luck sa  first day mo." Ani Caesar habang hindi inaalis ang tingin sa pagmamaneho.

Ihahatid nya ako ngayon sa Resto kung saan ako magtatrabaho. Medyo kinakabahan ako, wala akong ideya kung anong mga mangyayari ngayong araw.

Nang makarating na kami sa tapat ng Restaurant ay mabilis kaming nagpaalam sa isa't-isa. Hindi na ito bumaba pa dahil nagmamadali ito. Malelate na daw kasi sya sa trabaho. Ang kulit naman kasi, sinabi nang 'wag na akong ihatid. Hindi ito pumayag at nagmatigas. Kaya sa huli ay hindi na ako nakipagtalo pa para hindi na humaba ang usapan.

"Good Morning po Ma'am." Bati sa akin ng isang waitress pagkapasok ko.

Nginitian ko ito at iginala ang paningin ko. Madaming nabago dito. Mas lumawak ang loob nito. Kung dati ay dark ang color ng pintura nito, ngayon ay light na kaya mas naging maaliswalas tingnan.

Napansin kong nanlaki ang mga mata ng waitress na bumati sa akin habang nakatingin sa likod ko. Nilingon ko ang tinitingnan nya at nakita ko si Jake naglalakad papalapit sa amin.

"Sir Jake?!" Hindi makapaniwalang sabi ng waitress.

Tinaasan ito ng kilay ni Jake at tumigil sa harap ko. Nakakunot lang ang noo ko habang nagpapalit palit ng tingin sa dalawa.

Mas lumapit si Jake sa akin kaya naamoy ko ang pabangong gamit nito.

"Bakit po kayo andito? Hindi po ba si Ma'am Rose na ang nagaasikaso nitong Resto?" Gulat na gulat na tanong ng waitress habang hindi maialis ang tingin kay Jake.

"Shut. Up." Madiing wika ni Jake. Marahil ay natakot ang waitress at agad na yumuko at humingi ng tawad kay Jake.

"HuyAno yung sinasabi nung waitress? Totoo bang si Tita na ang nagpapatakbo nitong Resto? Kung ganun, anong ginagawa mo dito? Asan si Tita?" Tanong ko ng makaalis ang waitress. Naglalakad lang ito habang ako ay nasa likod nya at nakasunod sa kanya

"Bahay." Tipid na sagot nya.

"Huh? Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito. Kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin kong si Tita Rose ang makakasama ko sa trabaho. Mas magiging komportable ako kesa pag si Jake ang kasama ko.

"Magtatrabaho. Bored ako sa bahay. Walang gagawin don." Simpleng sagot nito at pumasok sa isang kwarto. Papasok na din sana ako ng biglang napatigil ako dahil pinagsaraduhan nya ako ng pintuan. Napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Napakabastos!

Yung magiging assistant ko ang nagturo sa akin ng mga dapat kong gawin. Dapat si Jake ang magtuturo nito ang kaso lang hanggang ngayon ay hindi pa din ito lumalabas sa kwartong pinasukan nya. Naging madali naman ang trabaho ko dahil wala masyadong ginagawa. Nag nagsusupervise lang ako at paminsan minsan ay tumutulong sa mga waitress pag madaming customer.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon