Love Affair no. 28

84.8K 1.3K 58
                                    

"Ano nga palang pangalan ng boss mo babe?" Tanong ni Jake habang nagmamaneho. Sya ang may sabi na ihahatid nya ako papasok sa trabaho ko, kahit anong tanggi ko dito ay ayaw talagang pumayag.

"Tristan." Sagot ko.

"Lalaki?" Kunot noo ako nitong tiningnan.

Tumango ako at tumingin sa bintana. Traffic ngayon kaya patigil tigil ang sasakyan.

"Anong itsura?"

"Gwapo." Sagot ko habang nakangiti. Magkaiba ang pagkagwapo nilang tatlo. Si Jake kasi ay matured ng tingnan. Si Caesar naman ay may pagka baby face. Habang si Tristan naman ay may pagkabadboy look. Natawa ako sa aking isipan. Anong sumapi sa akin at pinagkukumpara ko 'yong tatlo.

Nakita ko ang pagsimangot nito. "Mag resign ka na." Inirapan ko ito. Dumali na naman ang pagkaseloso ng isang 'to.

"Babe naman, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ako lang dapat ang gwapo sa paningin mo." Mababakas ang iritasyon sa boses nito.

Lumapit ako dito ng kaunti at tinitigan ko ang mukha nito. "Ayoko sayo. Ang haggard mo. Mukha ka ng gurang!" Sabi ko at humalakhak.

Nanlaki naman ang mata ni Jake at agad tiningnan ang sarili sa salamin. Kinapa-kapa pa nya ang kanyang mukha at naririnig kong kinakausap nya ang kanyang sarili.

Ako naman ay hindi pa din natitigil sa pagtawa. Nagbibiro lang naman ako. Mas lalo pa nga syang gumagwapo sa paningin ko. Ewan ko ba dito sa isang 'to kung bakit sineryoso ang biro ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng Coffee shop ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Jake. Tatawa-tawa ako habang palabas ng sasakyan. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Tritan na nagpupunas ng mga table. Ngumiti ito sa akin ng makita ako.

"Aga mo ah." Sabi nito.

Tumingin ako sa relo ko. Mag aalas siete pa lang ng umaga. Alas otso pa ang bukas ng coffee shop. Napaaga ako ngayon dahil kelangang maaga daw makarating si Jake sa Resto, madami daw kasi itong gagawin ngayon.

Kami pa lang ang taong dalawa dito ngayon. Hindi pa dumadating ang dalawa ko pang kasamahan.

"Si Jake kasi eh. Hinatid ako ngayon." Sagot ko at inilagay ko ang bag ko sa isang tabi. Kinuha ko na din ang walis para makatulong sa kanya sa pag lilinis.

Nang natapos na ay umupo muna kami para magpahinga. Nagpasalamat ako ng iaabot nya sa akin ang isang baso na malamig na tubig. Umupo ito sa tabi ko habang nagpapahid ng pawis sa kanyang mukha. Kahit pawis na pawis ito ay amoy na amoy ko pa din ang kabanguhan nito. Hindi ko tuloy alam kung pawis ba o pabango ang naaamoy ko sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang hinihintay namin ang dalawa pa naming kasamahan. Natutuwa ako dito dahil may pagkamadaldal din pala ito. Kinwento nya sa akin na may girlfriend sya ngayon at ito ay nasa ibang bansa. Modelo daw ito doon. Namamangha ako sa kanya dahil sa tuwing binabanggit nya ang pangalan ng girlfriend nya ay parang nangingislap ang mga mata nya. Halatang mahal na mahal nya ito. Ang plano daw nila ay magpakasal na sila sa susunod na taon. Nag iipon na lang daw sila ngayon para may maipang gastos sa kasal kaya kahit mahirap ay tinitiis nila ang long distance relationship. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang ito sumubsob sa trabaho. Kaya naman pala halos dito na ito tumira sa coffee shop.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon