Love Affair no. 20

97.7K 1.4K 75
                                    

"Bilis na kasi! Ang tamad tamad mo." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinubukang pilitin to ngunit napaka tigas talaga.

Kinurot nito ang ilong ko. Napangiwi ako dahil sa pagkakadiin nito. "Ayoko nga sabi. Ba't ba ang kulit kulit mo?!"

Ngayon ay nanunuod kami ng basketball sa sala. Sya lang pala ang nanunuod dahil hindi ko naman hilig ang mga ganitong palabas.

"Para sayo din naman yan eh! Bakit ba ayaw mo?!" Wika ko habang hinihimas ang ilong ko. Masakit ha.

"YOLO babe. Tsaka bahala ka. Ikaw din, pag nag trabaho na ko konti na lang ang magiging time natin together." Aniya at niyakap ako para mas mapalapit sa kanya.

"Edi mas mabuti." Bulong ko.

"Anong sabi mo?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Joke!" Nag peace sign ako dito. "Pumayag ka na kasi. Please?" Ipinag dikit ko pa ang dalawang palad ko para mas effective.

"A.YO.KO." Madiin nitong pagkakasabi habang nakatutok ang buong atensyon sa TV.

"Fine!" Sabi ko at padabog na tumayo palayo sa kanya.

"Anong Fine?" Saglit na binaling ang atensyon nito sa akin.

"Break na tayo!" Sigaw ko dito.

Ginulo nito ang buhok nya at magkasalubong na naman ang kilay. "Aish! Fine!"

"Anong Fine?" Tanong ko. Fine? Pumapayag syang break na kami? Eh wala palang kwenta 'tong lalaking to eh!

"Magtatrabaho na ko." Lihim akong napangiti sa sinabi nya. Bibigay ka din pala sakin e.

"Taob ka pala sakin." Bulong ko at bumalik na ulit sa pwesto ko kanina.

Tiningnan nya ako ng matalim. "May sinasabi ka?"

"Oo. bakit?" Tinaasaan ko ito na kilay.

"Tanong lang." Niyakap ulit ako nito gamit ang isang kamay at ang baba nya ay nakapatong na ngayon sa balikat ko."Taray talaga". Bulong nito. Napangiti ako dahil dito. Nagmumukha atang under sakin ngayon ang amo ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ito ang 1st day ni Jake sa trabaho. Dahan dahan akong bumangon sa kama para hindi ito magising.

Simula ng maging legal kami sa mga magulang nya ay nakapag kasunduan nilang sa kwarto na ako ni Jake matulog para daw mas maging komportble ako. Agad namang sumang ayon sina Tita at Sir Noel.

Tuwang tuwa tuloy ang gago at sya pa mismo ang nag empake ng mga gamit ko. Hindi na nila hiningi ang opinyon ko at basta na lang ako hinigit ni Jake papunta sa kwarto nya.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon