Love Affair no. 26

84K 1.4K 71
                                    

"Magagalit talaga sayo 'yon!" Ani Caesar matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa akin noong nakaraang linggo.

Nasa Mall kami ngayon dahil nag aya itong mag gala. Wala daw syang trabaho ngayon at nabobored daw syang mag isa.

Bago ako pumunta dito ay nag text muna ako kay Jake na makikipagkita ako kay Caesar. Mahirap na. Baka sa iba pa nya malaman at umandar na naman ang pagiging seloso ng isang 'yon.

"Walang wala kasi talaga ako nung time na 'yon. Ayun lang ang alam kong paraan para mag ka pera." Sabi ko habang tinitignan ang mga taong nakakasalubong ko. Bilang lang ang tao dito sa mall, Lunes kasi kaya kalimitan ng mga tao ngayon ay nasa trabaho at school.

"Kay Jake! Sa Boyfriend mo." Ngumisi ito sa akin.

Alam na nyang may relasyon kami ni Jake. Sinabi ko ito noong isang araw na magkatext kami. Noong una ay hindi sya makapaniwala hanggang sa ipinaka usap ko na sa kanya si Jake para ito na mismo ang mag sabi ng totoo.

Tumigil ito sa paglalakad ng makarating kami sa tapat ng Mcdo.

Hinila ako nito papasok sa loob. "Tara! Kain tayo." Yaya ni Caesar sa akin.

Habang kumakain ay patuloy pa din ang pagtatanong nya ng mga kung ano ano. Pag tinatamad akong sagutin sya  ay tango at iling lang ang sinasagot ko dito.

"So, Kamusta na ang relasyon nyo ni Jake? Yung pakikitungo nya sayo, Nagbago na ba?" Tanong nya habang sinasawsaw ang fries sa barbeque sauce.

Napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Jake kaninang umaga. Ipinagluto ako nito ng paborito kong tapsilog bago sya umalis. Inihanda na din nito ang isusuot kong damit pagkatapos kong maligo. Natawa ako sa aking isipan. Dapat ata ay ako ang gumagawa ng bagay na 'yon. Mukhang nabaliktad talaga ata ang sitwasyon.

Simula ng mag away kami ay mas naging sweet ito sa akin. Sya palagi ang nag luluto ng aalmusalin ko at ginigising na ako nito bago umalis. Tuwing gabi naman ay pinipilit nitong umuwi ng maaga para sabay kaming kumain ng hapunan.

"Uyy. Nakangiti. Ngiting inlove." Tukso ni Caesar sa akin at sinundot sundot pa ako sa tagiliran.

"Tumigil ka nga." Natatawang sabi ko at binato ko sya ng gamit na tissue.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito sa seryoso na tono. Tapos na kaming kumain at hinihintay na lang dumating yung take out nyang large fries.

"Hindi ko alam. Bayad na naman ako sa utang sa pagkakahospital kay Biboy kaya lang sa susunod na buwan panibagong bayarin na naman. Kulang na kulang talaga ang sweldo ko bilang katulong." Natawa ako sa huli kong sinabi. Tuloy pa din ang sweldo ko kahit wala na akong naitutulong sa Mansyon.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon