Love Affair no. 15

102K 1.6K 30
                                    

"San ka galing?!" Ulit nito. Nanatili lang akong nakatayo. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Natatakot akong lumapit sa kanya. Baka saktan nya ulit ako. Hindi ko din magawang tumingin sa kanya. Natatakot akong makita ang galit na galit nyang mata.

"Sino yung kasama mo?" Napalunok ako. Mababakas ang galit sa boses nito.

"S-sir. Si ano po--" Napahigpit ang hawak ko sa plastik. Sht. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba ang totoo? O magsisinungaling ako?

"Nevermind. Pumasok ka na. Gabi na." Napanganga ako ng marinig ko ang sinabi ni Sir. Hindi pa man ako nakakasagot ay tinalikuran na nya ako at pumasok na sa mansyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakatayo dito sa labas. Hindi pa din ako pumapasok sa loob. Naiwan akong tulala. Bakit ganun? Hindi ba sya galit sakin?

Kanina pa akong nakahiga ngunit hindi pa din ako dalawin ng antok. Nagpabali-baligtad na ko ng pwesto pero wala pa ding epekto. Iniisip ko yung nangyari kanina. Bakit pakiramdam ko ay nag iba sya? Ang akala ko ay sasaktan nya ako dahil sinuway ko ang utos nya pero parang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Bago ako lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko ay sobrang pangit ko ngayon. Ang itim ng ibaba ng mata ko dahil sa puyat.

Naglakad na ako papunta sa mansyon. Naabutan ko doon sina Manang Doray at kambal na nag hahanda ng almusal. Naupo na lang ako sa silya dahil alam ko namang pagbabawalan lang nila akong tumulong doon.

"Oh, Mariel! Anong nangyari kahapon? Bakit ginabi ka na ng uwi?" Ani Jupiter ng makita nya ako.

"Basta. Mahabang kwento." Sabi ko dahil tinatamad lang talaga akong magkwento sa kanila. Next time na lang siguro. Pakiramdam ko kasi ngayon ay hinang-hina ako dahil sa kulang sa tulog.

"Lagot ka. Pinag-alala mo si Sir. Hindi mapakali yun kagabi nung malaman na umalis ka." Dagdag pa nito. Lihim akong napangiti dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay nabuo ang araw ko dahil sa sinabi ni Jupiter.

"Manang, May breakfast na po?" Lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ang boses nito. Agad akong lumingon sa pinanggalinggan nito. Ano ba tong nangyayari sakin? Kagabi ko lang to huli nakita pero pakiramdam ko ay miss na miss ko na sya.

"Sandali na lang to Iho. Umupo ka na doon. Kami na ang bahala dito" Tumango lang si Sir at umalis na. Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Bakit ganon yon? Gusto ko syang tanungin kaso lang ay nahihiya ako. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang alamin ang nararamdaman nya.

"Magkagalit ba kayo? Himala ah. Hindi ka nya pinansin ngayon." Ani Jupiter. Si Manang naman at Venus ay nakatingin lang din sa akin at iniintay ang sagot ko. Umiling ako. Hindi ko din alam. Magkagalit nga ba kami?

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon