Love Affair no. 39

78.5K 1.4K 98
                                    

Nag iwas ako ng tingin ng mapansin kong nakatitig sya sa akin. Kanina pang ganito ang scenario naming dalawa. Mahuhuli ko syang nakatingin sa akin tapos mag iiwas sya ng tingin then vice versa.

Simula ng magkasakit sya ay hindi na kami nakapag usap. Ramdam kong iniiwasan nya ako. Pag tangkang lalapit ako dito ay agad na itong naglalakad papalayo sa akin. Pag naman nagtatangka akong kakausapin ito ay gumagawa sya ng paraan para maging busy ang kanyang sarili.

Gusto ko syang tanungin kung anong ibig sabihin ng sinabi nya sa akin. Pero para saan pa? May boyfriend na ko at matagal ng tapos ang relasyon naming dalawa. Sya na din ang nagsabi na kelanman ay hindi nya ako minahal.

"Ma'am. Kumain na daw po kayo sabi ni Sir Jake." Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita ang waitress na nasa harap ko na may dalang isang tray ng pagkain.

Muli kong tiningnan ang kinaroroonan ni Jake kanina pero wala na ito. Ibinalik ko ang tingin sa pagkaing dala ng waitress at bigla akong natakam ng maamoy na mabango ito.

Nakasimangot kong kinuha ang pagkain at umupo sa pinaka malapit na upuan.

Buong maghapon na hindi ko man lang nakausap o nalapitan si Jake. Asar na asar ako sa sarili ko at hindi ko alam kung bakit. Ano bang pakealam ko kung iwasan nya ako? Bahala sya sa buhay nya!

Pasimple kong iniirapan ito pag nakikita kong kausap nya ang ibang waitress. Kung makangiti pa sya para bang wala ng bukas! Nagngingitngit na ako sa sobrang inis. Ako ang manager pero ako ang inietchapwera?!

Inis na inis ako habang nag aantay ng taxi sa labas ng Resto. Naisipan kong umuwi na lang ng maaga ng hindi nagpapaalam sa kahit kanino. Mas gusto ko pang magkulong sa condo kesa sa makita ko ang mukha ng asungot na 'yon!

Nagtext sa akin si Caesar na hindi nya ako masusundo ngayon dahil sunod sunod daw ang utos ng boss nya. Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng ingay. Nakita ko ang mga kasamahan ko kasama si Jake na sabay sabay na naglalakad habang nagtatawanan.

"Ma'am. Ingat po kayo." Nakangiting sabi ng isang waitress.

"Sige. Kayo din." Sabi ko at pilit na ngumuti. Nagtataka man ako kung saan sila pupunta ng ganitong kaaga ay hindi na ako nagtanong pa. Baka isipin pa ng Jake na 'yan na mag pakealam ako sa buhay nya.

Mas nangunot ang noo ko ng nagtawanan sina Jake sa may bandang likuran. Kelan pa naging close si Jake sa mga empleyado nya?! The last time i checked, takot na takot ang mga emplayado nya sa kanya dahil kung sigaw sigawan ito ni Jake para bang wala ng bukas.

"Sir. Bakit hindi po natin isama si Ma'am? Hindi po ba empleyado din naman po sya?" Nakangiting tanong ng lalaking katabi ni Jake.

Nakita kong seryosong nakatitig sa akin si Jake habang nakapamulsa.

"Kayo bahala." Maikling sagot nito at nagpatiuna na sa paglalakad.

Sinamaan ko ito ng tingin kahit alam kong hindi na ako nito nakikita. Halos manlaki na ang butas ng ilong ko sa sobrang inis.

"Wag na. Nakakahiya naman sa inyo. Mukha naman kasing hindi ako invited." sarcastic na sabi ko.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon