Love Affair no. 25

86.3K 1.5K 173
                                    

Nang makabawi ay agad tumayo si Jake at hinila ako papalapit sa kanya. Natanggal ang pagkaka akbay sa akin ni Raymond.

"Teka bro, Girlfriend mo ba 'tong si Mariel?" Nagtatakang tanong ni Raymond. Tumayo din ito at lumapit sa amin ni Jake.

"Hindi." Maikling sagot ni Jake.

Nasaktan ako sa sagot nya kaya nag iwas ako ng tingin. Naiintindihan ko naman sya kung ikakahiya nya ako sa harap ng mga kaibigan nya. Malaki nga namang kahihiyan sa kanya pag nalaman ng mga ito na ang binayaran nilang babae ay girlfriend pala ng isa sa kanila.

"'Yun naman pala. Akin na yan. Binayaran ko yan eh." Sabi ni Raymond at pilit akong hinila papalapit sa kanya ngunit mas humigpit ang kapit sa braso sa akin ni Jake na para bang ayaw na ayaw nya akong makawala.

"No." Mas dumilim ang mukha ni Jake habang diretsong nakatingin kay Raymond.

Nasasaktan na ako sa ginagawa nila. Para bang naglalaro sila ng tug of war at ako ang nasa gitna.

"Edi ipapahiram ko na lang sayo si Mariel pagkatapos ko." Mayabang na sabi ni Raymond. Kung wala lang kami sa loob ng bar ay kanina ko pa itong pinatulan. Mahigpit na ipinagbabawal ng amo namin na patulan ang customer kaya nanahimik na lang ako kahit na kating-kati na ang dila ko na sagutin sya.

Matalim na tiningnan ni Jake si Raymond.

"What? Sabi mo hindi mo naman sya girlfriend, bakit ka nagagalit dyan?" Napatingin ako sa ibang barkada nya na ngayon ay pinapanood kami. Para bang nanonood silang lahat ng teleserye at kaming tatlo ang bida.

"Hindi nga." Sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan na naman ako sa sinabi nya. Kahit na anong pilit na ipaintindi ko sa puso ko na kailangan nyang gawin yun ay hidni ko pa ding maiwasang masaktan

"So ano mo sy--"

"Asawa." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Jake. Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga katabi ko. Maging si Raymond ay nabato din sa kanyang narinig.

Hinarap ako ni Jake at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Babe uuwi na tayo." Sabi nito habang nakatingin diretso sa mga mata ko. "Nagtext na si Mommy. Kanina pa daw umiiyak si Junjun. Hinahanap na daw tayo." Dagdag nito at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Anong pinagsasabi nito? Wala sina Tita at Sir Noel sa mansyon dahil nasa Marikina pa ang mga ito at higit sa lahat sinong Junjun?

Magsasalita pa sana si Raymond ng hinila na ako ni Jake palabas ng bar. Rinig ko pa ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan nya ngunit hindi nya ito pinansin.

Nang makarating kami sa sasakyan nya ay patapon nya akong pinasok sa unahan ng kotse. Pabalabag nyang sinarado ang pinto kaya napaayos ako ng upo. Nang makapasok sya sa driver seat ay agad nya akong hinarap.

"Explain." Malamig ang boses nito. Nag taasan ang balahibo ko ngunit nagpanggap akong hindi apektado dito.

"Teka lang. Bakit mo ko dinala dito. Hindi pa ko pwedeng umuwi gawa--"

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon